GMA Logo Gabby Concepcion
Source: GMA Network and GMA Drama
What's on TV

Gabby Concepcion, bilib sa rambulan scene nina Kylie Padilla at Kazel Kinouchi

By Aedrianne Acar
Published September 23, 2025 11:26 AM PHT
Updated September 23, 2025 11:34 AM PHT

Around GMA

Around GMA

32 arrested for online libel from Jan to May 2026 - PNP-ACG
Pila ka mangunguma, nagapreparar sang talamnan sa pagsugod sang pag-ulan-ulan | One Western Visayas
Cookie brand, BTS create purple hotteok-flavored snack

Article Inside Page


Showbiz News

Gabby Concepcion


Humanga si Gabby Concepcion sa intense scene nina Gina (Kylie Padilla) at Betsy (Kazel Kinouchi) sa loob ng isang palengke sa 'My Father's Wife.'

Gulat ang naramdaman ng seasoned TV-movie star na si Gabby Concepcion nang mapanood ang viral scene nina Kylie Padilla at Kazel Kinouchi sa GMA Afternoon Primetime series na My Father's Wife.

Umani ng milyon-milyong views at engagement online ang 'palengke wars' scene ng dalawang aktres, kung saan hinabol ni Gina (Kylie Padilla) ang stepmom niyang si Betsy (Kazel Kinouchi) matapos nitong malaman na inahas nito ang asawa niyang si Gerald (Jak Roberto).

Sa panayam ni Gabby sa GMA Integrated News, sinabi nito na napakagaling ng eksena at ng mga writer na nakabuo sa matinding tapatan nina Gina at Betsy.

Lahad ng former matinee idol, “Marami pang mangyayari, hindi pa tayo tapos. Baka sa susunod, baka hindi na pata ang gamitin para makipag-away, pero nagulat din ako. Kasi hindi ko nakita sa script 'yun nung shinoot, kaya nagulat ako. But I was pleasantly surprised na merong ganun script. Napakagaling talaga ng mga writers natin sa GMA.”

Binigyan-diin din ni Gabby ang halaga ng social media para mas maraming audience na maabot ang kanilang serye na kamakailan ay nag-celebrate ng milestone nang nakamit nila ang one billion total online views sa loob lamang ng dalawang buwan.

Aniya, “We belong to a generation na open na, nakasanayan na nila ang social media. So maraming mga platforms ngayon, maraming mga Gen-Z, Gen-X at mga [Millennials] na gumagamit na ng cellphone, gumagamit ng computer. In a click of a finger, mapapanood mo na ang gusto mong panoorin.”

“At napaka-convenient kasi 'pag nanonood ka ng mga favorite shows mo sa cellphone o kung ano mang media ang gagamitin mo. Okay lang yan, because we are evolving, we have to accept the fact na meron tayong changes na mararanasan at dapat natin tanggapin. We have to go with the flow.”

1BA ANG UNA! Kaya nood na Lunes hanggang Sabado ng My Father's Wife pagkatapos ng It's Showtime sa oras na 2:30 p.m. sa GMA Afternoon Prime!

RELATED CONTENT: THROWBACK PHOTOS OF GABBY CONCEPCION