
Lintik lang ang walang ganti!
Bumuhos ang emosyon at galit sa Saturday episode (September 6) ng GMA Drama series na My Father's Wife.
Matapos malaman ni Gina (Kylie Padilla) na kerida ni Gerald (Jak Roberto) ang stepmother niya na si Betsy (Kazel Kinouchi) ay sumabog ang galit nito!
Bigay na bigay ang pag-arte nina Kylie at Kazel sa eksena nila sa palengke at kahit ang fans ay nadala sa husay nila sa pag-arte dahil sa intensity ng kanilang catfight.
Obserbasyon ng isang viewer, “Naku, ang galing talaga ni Kylie [Padilla] super.”
Umani rin ng milyon-milyong views ang rambulan scene na ito sa hit Kapuso soap.
Walang bibitaw sa intense story sa My Father's Wife sa GMA Afternoon Prime, Monday to Saturday, 2:30 p.m., pagkatapos ng It's Showtime.
RELATED GALLERY: Things you've missed during the My Father's Wife taping