
Sa pagganap ni Gaea Mischa bilang si Nancy, isa sa mga miyembro ng fictional P-Pop group na YUMI ng Born to Shine, ilang realizations ang natutuhan ng singer-actress tungkol sa pagiging isang P-Pop idol.
“One insight that I've learned about the P-Pop industry from portraying our characters sa Born to Shine is grabe talaga 'yung discipline. You need to be disciplined, and you need to have those goals talaga in your life and find out exactly how you're supposed to reach them,” pagbabahagi ni Gaea sa naganap na media conference ng Cornerstone Entertainment Inc. nitong Linggo, July 26.
Masaya rin umano si Gaea na makatrabaho ang iba pang miyembro ng YUMI na sina Zephanie, Olive May, Naya Ambi, at Mitzi Josh dahil sa pagiging determinado nila.
Ayon kay Gaea, ang pagiging determinado nila ay dahil karamihan sa YUMI ay galing sa singing competitions. Siya mismo ay lumaban sa The Voice Kids Ph season 4 noong 2019.
Si Zephanie, nag-compete sa season 2 ng The Voice Kids Ph noong 2015. At noong 2018, sumabak naman ang singer-actress sa “Tawag ng Tanghalan” sa It's Showtime.
Kilala naman si Naya Ambi bilang grand champion ng The Clash noong 2024. Samantalang si Mitzi Josh ay naging bahagi ng The Voice Teens season 1 noong 2017. Samantala, hindi man galing sa contest, isang tunay na P-Pop idol naman si Olive na dating miyembro ng grupong CALISTA.
Pagbabahagi ni Gaea, “When you come from singing competitions, especially in your childhood, you learn how to be determined na you need to do your best all the time, you need to give your best. So siguro, that's one of those things.”
ALAMIN KUNG NASAAN NA NGA BA NGAYON ANG MGA SINGERS NGAYON NA NAKILALA SA SINGING COMPETITIONS SA GALLERY NA ITO: