What's Hot

'Gala Gala' song ng Ponytail Girls, inspired sa 'Dalla Dalla' hit ng ITZY

By Dianara Alegre
Published May 6, 2020 12:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Show cause order issued vs vehicle owner, driver in gun toting incident in CDO
Calamities that hit Western Visayas, NegOcc in 2025
Catriona Gray calls for donations for NGO to celebrate her birthday

Article Inside Page


Showbiz News

Ponytail Girls


'Gala Gala' song ng Ponytail Girls, patok online!

Dahil halos dalawang buwan nang ipinatutupad ang enhanced community quarantine, marami ang bored na bored na sa bahay at gusto nang gumala.

At para labanan ang boredom ay iba't-ibang pakulo ang ginagawa ng netizens sa social media. May iba't-ibang challenges, paggawa ng videos sa TikTok at comedy skit. Nagsuplutan din ang mga iwas-bagot challenges.

Pero iba ang trip ng Surigao-based Ponytail Girls group na binubuo ng magpipinsang May, Jazmin at Lira Bell. Gumawa sila ng parody music video na inspired sa hit song ng Kpop group na ITZY, ang “Dalla Dalla.”

Ang himutok nila sa kanta, gala, gala!

“Naisipan po naming gawan ng video dahil alam po namin na maraming makaka-relate dito. 'Tsaka po naging libangan na rin po namin ang paggawa ng video,” anila.

Dahil very timely ang context ng kanilang video ay umani ito ng libu-libong likes at views online.

Gayunman, kahit marami ang natuwa ay may ilan pa rin na nam-bash sa grupo. Giit nila, bakit nakagawa ng music video ang grupo gayong may banta ng COVID-19 sa bansa.

“Salamat po sa Diyos dahil COVID-free ang lugar namin. Nasa iisang bubong po kami at ang aming lugar na binidyohan ay malapit lang po sa aming bahay.

“'Wag po kayo mag-alala dahil palagi po kami nag-iingat. Mag-ingat po kayo palagi at 'wag po natin kalimutan na magdasal,” sabi pa ng grupo.

Panoorin ang buong 24 Oras report: