GMA Logo Game of Outlaws
What's Hot

Game of Outlaws: Kapahamakan ni Relissa | Week 7 recap

By Kristian Eric Javier
Published June 5, 2023 4:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Driver dies after truck falls into ravine in Sarangani
Italian resto opens in Molito; promises 'refined but unpretentious' food
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

Game of Outlaws


Si Relissa naman ang mapapahamak sa kapwa niya miyembro ng SIC.

Ngayon, hindi lang si Jennifer (Natapohn Tameeruks) ang may pinagdadaanan dahil kahit ang kapatid niya na si Relissa (Pimpawee Kograbin) ay pinagbibintangan ngayon sa pagpatay sa mga inspector ng SIC.

Ready pa rin tumulong si Aaron (Mark Prin Suparat) sa magkapatid at gayun din si Marvin (Top Jaron Sorat) para mailigtas si Relissa.

Matapos ang nangyari kay Jennifer na naging dahilan para mapunta at magtrabaho siya para sa mafia, si Relissa naman ang pinagsususpetsahan sa pagpatay kay Lt. Darwin ng SIC.

At para tulungan siya, sumugod si Aaron sa kuta ng mga mafia para kausapin si Jennifer at hiniling na mag-testify ito para sa kapatid niya. Pagkakataon naman ni Jennifer na tulungan o paghigantihan si Relissa sa ginawa nitong pag-testify laban sa kanya.

Bukod sa magkapatid ay malalagay rin sa kapahamakan ang buhay ni Aaron nang dukutin siya ng ilang mga lalaki.

Paaaminin daw siya ng mga ito na siya ang taong nasa likod ni Black Mask, ang sindikatong tumutulong umano sa iba pang mga grupo at mafia.

Dahil sa kinakaharap ni Relissa na problema, napilitan itong lumapit kay William, ang head ng isa sa mga gang. At dahil kilala ni Marvin kung sino talaga si William, pinagsabihan niya si Relissa na mapapahamak lang ito 'pag pinagpatuloy ang ginagawa. Kaya lang, sinabihan siya ni Relissa na mas mabuting layuan na lang nito ang binata kaysa si William, bago sinubukan umalis. Pero bago pa ito nakalayo ay hinila siya ni Marvin pabalik at ibinigay ang first kiss nilang dalawa.

Samantala, isa sa mga inspector ng SIC ang nagsabi sa kanilang commander na si Relissa talaga ang main suspect nila, dahil sa alitan nito kay Darwin. Dahil dito, ipinatawag nila si Relissa para sa interrogation. Ayon sa inspector ay marami raw kinalaman si Relissa sa kaso ng pagpatay. Samantala, sinubukan naman hingiin ni Aaron sa inspector ang pruweba nito na may kinalaman nga si Relissa sa nangyari, ngunit sinabi lang nito na malalaman nila sa pagbigay ng statement ng dalaga.

Hindi lang si Aaron pero kahit si Marvin ay nandoon para subukan tulungan si Relissa. Ngunit sinabi ng inspector na sapat na ang kaniyang ebidensya para ipakulong ito. Pero kahit ganun ay hindi sumuko si Marvin at sinabing gagawin niya lahat para mailigtas si Relissa. Sinbukan ni Relissa lumabas ng interrogation room pero sinabihan siya ng inspector na batay sarado na ang mga exit. Sinundan naman siya ni Marvin at sinabi ni Relissa rito na mas lumalala ang sitwasyon niya sa pagbisita nito. Sinabi rin ng dalaga na hindi niya matatanggap ang tulong galing sa isang kriminal na tulad ni Marvin.

Kahit hindi naging maayos ang nangyari kina Jennifer at Relissa, handa pa rin si Jennifer na tulungan ang kanyang kapatid. Pero handa pa rin lumaban si Relissa at sinabi nitong hindi niya kailangan ang tulong ng kapatid. Sa pag-amin ni Relissa ng kanyang pagiging inosente, ipinakita ni Jennifer ang ebidensyang magdidiin sana kay Relissa sa krimen na ginawa nito.

Samantala, kakailanganin ni Marvin na ipain si Jennifer at ipalit siya sa hostage ng kalabang grupo para mailigtas ito.

MAS KILALANIN PA SI MARK PRIN SUPARAT, ANG GUMAGANAP BILANG AARON, DITO: