
Napa-throwback ang mga bida ng bagong Kapuso game show sa GMA News TV na Game of the Gens nang mapag-usapan ang mga nami-miss nila from the year 2000 to 2010.
Host ng all-original Kapuso game show sina Sef Cadayona at Andre Paras. Katuwang nila sa pag-e-entertain tuwing Linggo ng gabi ang former Britain's Got Talent contestants na Miss Tres o kilala bilang Gen Dolls, ngayon.
Sa exclusive video sa YouLOL channel, ibinahagi ng mga ito ang ilan sa nami-miss nila sa dekada 2000.
Para kay Andre, naalala niya ang mga panahon na nagko-compete ang kanyang ama na si Bejie Paras sa PBA. Taong 2003 nag-decide na mag-retiro from professional basketball ang superstar athlete.
Aniya, “Memories ko?
“Naalala ko 'yung basketball games ng tatay ko, napapanood ko pa 'yung daddy ko bago siya mag-retire noong 2003.
“Ang saya kasi, puno 'yung stadium, tapos walang naka-smartphones, so alam mo na na-e-enjoy nila 'yung moment.”
Binalikan naman ng Gen Dolls member na si Mariel ang mga school events na napuntahan niya tulad ng acquaintance party.
Saad ng transgender beauty, “Ako nami-miss ko 'yung acquaintance. 'Yung mga prom, alam mo 'yun.
“Kasi after noon, 'di ba bonding, hindi lang basta party-party. Nakaka-miss 'yung sa school, actually, siguro lahat naman tayo sa school.”
Heto naman ang ilan sa exclusive videos ng Game of the Gens stars para higit n'yo pa silang makilala.
Mga larong '90s, naranasan kaya ng 'Game of the Gens' stars?
Sef Cadayona, ano ang reaksyon nang mapanood ang Miss Tres
Mariko, may nais pulbusan kay Sef Cadayona!
Umuwi ng maaga sa February 14 at pagpatak ng 7:45 PM ay manood ng grand premiere ng Game of the Gens directed by Rico Gutierrez sa GMA News TV!
RELATED CONTENT:
YouLOL starts the year right with 300K subscribers!
Game of the Gens' stars admit they miss having studio audience during their tapings
Miss Tres member na si Mariko, malaki ang pasasalamat sa yumaong ka-miyembrong si Mia