GMA Logo Gardo Versoza
What's Hot

Gardo Versoza, kamusta na nga ba matapos atakihin sa puso?

By Kristian Eric Javier
Published May 9, 2023 2:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Tuba, Benguet police chief relieved from post due to lapses in Cabral probe —PNP
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Gardo Versoza


Alamin ang kalagayan ni Gardo Versoza matapos ang kanyang unang angioplasty operation.

Kahit healthy at active ang lifestyle ng batikang aktor na si Gardo Versoza, sumailalim ito sa isang angioplasty operation noong Marso matapos atakihin sa puso.

Sa isang panayam sa Kapuso Mo, Jessica Soho, kinuwento ni Gardo at ng asawa niyang si Ivy Vicencio ang pinagdaan nila.

Ayon sa aktor, nagsimula ang lahat nang bigla siyang nakaramdam ng “ubearable” na pag sakit sa likod. Ayon sa aktor, inakala niya lang nung una na dahil lang iyon sa pagod kaya nagpamasahe siya sa asawang si Ivy para mawala. Pero dahil bumabalik ang sakit, naisipan niyang magpatingin na sa duktor na pinayuhan siyang magpa X-Ray at ECG.

“Nakita sa ECG medyo erratic 'yung heartbeat. I had a heart attack, sa bahay palang pala. Na-confirm nila na dalawang arteries 'yung barado,” kwento ni Gardo.

Dagdag pa nito “Pinapirma na si wifey na medyo kritikal 'yung gagawin. Sabi nga, kailan nga ng prayers. 'Yung parang pinaka main avenue ng heart, 'yun 'yung 100 percent na-block.”

Bukod sa pagsasayaw ng mga sikat na Tiktok dance routines sa nasabing platform, kilala si Gardo bilang siklista at sa pagiging gym rat niya, na ayon sa mga duktor ay naging malaking tulong sa pag laban niya sa heart attack.

Pag-alala ng aktor sa sinabi ng duktor, “Sinabi nung duktor na 'kung hindi ganyan 'yung lifestyle mo, malamang dirediretso ka na pagka-atake. Kung sa iba 'yan, hindi na, hindi na aabot 'yan.”

Pero pinayuhan din siya nito na hindi healthy ang ginagawang 100 - 200 kilometer biking dahil “for my age, pinu-push mo na masyado 'yung puso mo.”

Naging successful naman ang operasyon ni Gardo ngunit kailangan pa niyang dumaan sa isang pang angioplasty operation para sa ikalawang baradong ugat.

Nilinaw naman ni Gardo ang kumakalat na balita na naghihirap na kaya't nagbebenta ng gym equipment.

Ayon sa aktor, “Bago pa dun sa gym equipment, minsan kasi may mga binebenta ako, gusto ko naman mag-generate ng funds para du'n sa charity. So hindi ko na dinidetalye minsan.”

Dagdag pa nito, “Hindi ko naman pwede iasa lahat sa work ko, binawalan din ako ng duktor na magbuhat ng masyadong mabigat.”

Nang tanunging siya kung ano ang nagbago matapos ang unang operasyon, ang sagot ni Gardo, “Kasi lagi akong parang lively, magalaw, makulit, ma-exercise, parang palaging maraming gusto gawin. Ngayon, ine-enjoy ko na lang muna. Kumbaga, nice and slow.”

BUKOD KAY GARDO, ILANG CELEBRITIES DIN ANG NA-STROKE O NAGKAROON NG HEART DISEASE: