GMA Logo Gary Valenciano
Photo by: TicTalk with Aster Amoyo YT
What's Hot

Gary Valenciano, sumailalim sa sunod-sunod na operasyon sa loob lamang ng dalawang linggo

By Kristine Kang
Published December 5, 2024 10:26 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Update on Bagyong Wilma as of 11 AM (Dec. 6, 2025) | GMA Integrated News
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Gary Valenciano


Labis ang pasasalamat ni Gary Valenciano sa Diyos nang siya'y ginabayan sa kabila ng kanyang mga pagsubok, kabilang na ang kanyang sakit sa puso at pagkakaroon ng cancer.

Kilala si Gary Valenciano bilang Mr. Pure Energy dahil sa kanyang kahusayan at kasiyahan sa pagpe-perform on stage. Marami ang humahanga sa kanya sa tuwing umaawit habang humahataw siya.

Maliban dito, isa si Gary V sa mga taong may matibay na pananampalataya sa Diyos. Pinatunayan niya ito sa bawat pagsubok na kanyang hinarap, sa karera man o sa personal na buhay.

Sa isang panayam kay Aster Amoyo, binalikan ni Gary V ang kanyang emosyonal na karanasan sa gitna ng kanyang sunod-sunod na problema sa kalusugan.

Nagsimula ang kanyang matinding pagsubok nang maramdaman niyang may mali sa kanyang katawan. Ang simpleng pagod mula sa isang dalawang minutong performance ay nagmistulang kasing bigat ng isang buong solo concert.

Dahil sa mga nararamdaman, nagpakonsulta siya sa kanyang doktor. Dito niya nalaman na may problema siya sa puso dulot ng kanyang diabetes. Dahil may bara sa kanyang left descending artery, kinakailangan niyang magpa-bypass surgery.

Pagkatapos ng operasyon sa puso, nagkaroon pa siya ng karagdagang komplikasyon sa baga. Nagkaroon kasi ng tubig sa kanyang baga at kailangan agad itong alisin. Upang tiyakin ang kanyang kalusugan, sumailalim pa siya sa isang CT scan. Sa kasamaang palad, natuklasan ng kanyang doktor na may cancer din si Gary V sa kanyang kidney.

"It was kinda big. It's four centimeters by six centimeters. So if you get a little child's hand ganun kalaki," kuwento ni Gary V.

Sa awa ng Diyos, naging matagumpay ang sumunod na operasyon. "Buti na lang, it was kalahating nasa labas ng kidney. Hindi siya doon sa main artery na connected to the rest of the body. It was very isolated. So when they went in and took 30% of my kidney, kinuha na rin ang tumor na iyan," dagdag pa niya.

Ang kanyang dalawang operasyon at ang pagtanggal ng tubig sa kanyang baga ay naganap sa loob lamang ng dalawang linggo.

Naniniwala si Gary V na hindi siya pababayaan ng Diyos, kaya't nais niyang matapos agad ang lahat ng kanyang operasyon.

"I want this out. I don't want to wait," paliwanag niya. "It was tapang at the same time it was parang, 'Hindi pa ba sapat 'yung lahat na pinagdaanan ko? Hindi pa ba sapat iyan?'"

Minsan daw, hindi niya maiwasan lumapit sa Diyos upang humingi ng lakas at kasagutan sa mga nangyayari sa kanya.

"He saw me through it and He wasn't watching in the distance. He was with me every step of the way," masaya niyang sinabi.

Hanggang ngayon, namamangha si Gary V sa pagmamahal at suporta ng Diyos sa kanyang buhay. Hindi niya rin akalain na makakalampas siya sa lahat ng pagsubok na ito.

Balikan ang inspiring celebrities na cancer survivors, dito: