
I-ready ang panga n'yo sa matinding tawanan dahil dalawa sa The Koolpals ang sasalang sa session ng Your Honor this weekend.
Ipinatawag ng House of Honorables na sina Chariz Solomon at Buboy Villar sina Roger Naldo at GB Labrador sa session na tinawag nila na ''In Aid of Jokes: Bawal Ma-Offend ang Koolpals?'
Sa isang bahagi ng teaser episode, may tanong si Madam Cha sa kanilang mga guest: “Ang mga komedyante ba may karapatan din ma-offend?”
Tugon ni GB sa tanong ng Bubble Gang comedienne, “Minsan 'pag hindi siyempre galing sa komedyante, offensive siya!
“'Pag biniro ka ng isang komedyante, expect na 'yung komedyante babawi pabalik.”
Huwagpapahuli sa kulitan na hatid Your Honor, ngayong July 18 , pagkatapos ng Pepito Manaloto sa YouLOL YouTube channel.
RELATED CONTENT: Podcast duos dominating online conversation right now