GMA Logo Gelo Ramirez BGYO
Source: bgyo_ph (IG)
What's on TV

Gelo Ramirez, paano nga ba naging leader ng BGYO?

By Kristian Eric Javier
Published July 7, 2026 1:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

VP Sara Duterte arrives in Senate on Day 2 of impeachment trial
FIFA World Cup: Knockout stage results, bracket, schedule (July 7, 2026)
South Cotabato's inaugural fashion competition set to ignite 27th T'nalak Festival

Article Inside Page


Showbiz News

Gelo Ramirez BGYO


Alamin kung paano napili bilang leader ng BGYO si Gelo Ramirez.

Sa P-Pop groups katulad ng BGYO, isa sa mga pinakamahalagang role ay ang leader, na ginagampanan ni Gelo Ramirez. Ngunit paano nga ba siya napili?

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, July 6, ibinahagi ni Gelo, kasama sina Akira Morishita, Nate Porcalla, at JL Toreliza, kung paano nga ba niya nakuha ang pinakaimportanteng posisyon sa grupo.

Pagbabahagi ni Gelo, “I think it started nu'ng nagte-training kami with the Koreans at saka Pinoy coaches namin kasi throughout the training namin, nandu'n sila, e. Malaking factor siguro na ako ang pinakamatanda.”

Kalaunan, noong nag-observe at in-evaluate sila ng kanilang coaches, pinili na umano si Gelo bilang leader ng BGYO.

Bukod sa pagiging leader, wala ring permanenteng roles ang mga miyembro. Ayon kay Gelo, sila ni Nate ay dancers bago pa pumasok sa grupo. Sina Akira at JL naman ang singers, habang si Mikki Claver, na wala sa show dahil feeling under the weather ito, ang rapper.

KILALANIN ANG MGA MIYEMBRO NG P-POP BOY GROUP NA BGYO SA GALLERY NA ITO:

Ayon kay Akira, noong nagte-training pa lang sila, binigyan sila ng management ng holistic training, “Kasi they envisioned us as kaya namin kumanta, sumayaw, at mag-rap at the same time po. So ang pinaka nagkaroon lang po ng posisyon is 'yung leader, which is si Gelo po, na napili rin nila and nag-agree rin naman po kami.”

Malaki rin ang role ng main visual sa isang P-Pop group dahil ito ang nagdadala ng looks at style ng grupo, at madalas ang naghahatak ng bagong fans dahil sa kanilang good looks.

Ngunit sa BGYO, ayon kay Nate, wala sila nito “I think kasi it's nice to appreciate all of our unique visuals.”

Panoorin ang panayam sa BGYO dito: