GMA Logo geneva cruz and paco arespacochaga
What's on TV

Geneva Cruz at Paco Arespacochaga, ibinahagi ang kanilang kahanga-hangang relasyon

By Maine Aquino
Published July 16, 2020 1:33 PM PHT
Updated July 16, 2020 2:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

MMDA eyes uniform truck ban hours, opening of private roads to ease traffic
DOLE 7 commends driver who rescued 6 in Liloan, Cebu
Marian Rivera's new bag charm is from an Italian fashion house

Article Inside Page


Showbiz News

geneva cruz and paco arespacochaga


Ikinuwento nina Geneva Cruz at Paco Arespacochaga ang kanilang pagiging magkaibigan matapos maghiwalay.

Diretsahang sinagot ng ex-couple na sina Geneva Cruz at Paco Arespacochaga ang kanilang kuwento bilang parents at friends nang ma-interview sila ni Paolo Contis para sa Just In.

Kuwento ni Geneva hindi lamang sila ang close dahil malapit rin ang dalawa sa kanilang mga ex partners.

Unang ibinahagi ni Geneva ang nabuong friendship sa pagitan nina Paco at KC Montero dahil sa anak nilang si Heaven.

Si KC ay dating boyfriend ni Geneva.

"Heaven is very open to me. May mga questions kasi na ang makakasagot lang mga tatay niya, e.

"So, I send KC a message and I send Enrico a message na talk to Heaven, or sabihin ko kay Heaven na talk to your dads."

Saad naman ni Paco, may mga pagkakataon na sila mismo ni KC ang nag-uusap para gabayan si Heaven.

"Minsan kami ni KC ang mag-uusap, 'Ano ang desisyon mo? Ano ang desisyon mo? Ano sinabi mo? Ano sinabi mo? Para hindi lumilihis."

Dagdag pa ni Paco, si Geneva mismo ang gumawa ng paraan na maging malapit ang dalawang ama ni Heaven.

"Ang maganda kina Geneva at kina KC, nung time na si Heaven ay nasa kanila, kaming dalawa ni KC, ini-encourage ni Geneva na kami ni KC ang mag-usap para nagkakaroon kami ng relationship. Hindi naa-out of place 'yung stepparents."

Ang ex-wife naman ni Paco na si Tiny ay naging malapit na kaibigan ni Geneva.

Kuwento ni Geneva, "Si Tiny, 'yun 'yung second wife ni Paco. Tiny became one of my bestfriends."

Pagpapatuloy pa niya, "Sabi ko nga kay Paco, 'Swerte ka dahil lahat ng naging girlfriends mo mababait.'"

Dugtong naman ni Paco, hindi makapaniwala ang mga tao kapag naririnig ang kanilang kuwento bilang ex-couple.

"Mahirap i-explain. Lahat ng nakakawitness in person napapanganga na lang."

Bukod sa friendship nilang dalawa tumatayo rin silang godparents sa anak ng bawat isa.

Ayon kay Geneva, "Si Paco 'tsaka si KC ninong ng six-year-old daughter ko."

Sabi naman ni Paco, "Si Geneva naman ninang ng pangalawa kong anak."

Si Geneva ay karelasyon ngayon si Nikolaus Booth samantalang si Paco ay married na kay Jaja Arespacochaga.

Geneva Cruz, umaming humiling ng apology mula kay Paco Arespacochaga

Geneva Cruz pens heartwarming message for son Heaven Arespacochaga