
Lingid sa kaalaman ng publiko, minsang nanirahan si Geneva Cruz sa bahay ng RnB singers na sina Kris Lawrence at Jay R.
Nabanggit ito ng singer-actress nang matanong kung gaano siya ka-close kay Kris Lawrence sa press conference ng kanilang three-day concert series na King and Queen of Hearts sa The Palace, Olongapo City sa February 13 to 15.
“You know, Kris and I had lived together. Pangit pakinggan, 'no? But we did kina Jay-R before noong nag-separate kami ni KC [Montero]. I stayed with them… mga one year din yun, 'no, bro?” paglalahad ni Geneva nang makausap siya ng entertainment press, kasama na ang GMANetwork.com.
Bukod sa pagiging “magkapatid” sa talent management ni Arnold Vegafria, nabuo rin ang mabuting pagkakaibigan sa pagitan ng tatlong OPM artists.
Ayon kay Geneva, sa bahay siya nina Jay R at Kris Lawrence nanirahan matapos ang relasyon nila ni KC, na sampung taon niyang naging asawa.
Ang huli ay malapit na kaibigan din nina Jay R at Kris Lawrence, kaya sa palagay ni Geneva, “Mas gusto n ani KC noon na sa kanila ako dahil kilala niya rin sila.”
Sambit naman ni Kris, “Yeah, and she's safe with us. More like sister ang trato namin sa kanya.”
TINGNAN ANG ILANG PANG CELEBRITIES NA SOLID ANG PAGKAKAIBIGAN:
Aminado si Geneva na noong panahong iyon, “I was lost during that time.”
Dagdag pa niya, “I actually lost my purpose during that time. I realized wala akong purpose noon. Feeling ko parang hindi talaga ako masaya. Hindi ako asawa, yung anak ko [Heaven Arespacochaga] nandoon [sa US]. I felt like a failure.
“When I had my daughter London, doon bumalik yung purpose ko. Ang tagal din na I was really lost and I succumbed to drinking alcohol. It wasn't a good place… I'm happy that I have good friends na sinabi yung totoo. Nandoon sila [Jay R and Kris Lawrence].
Matapos ang isang taon, umalis na rin si Geneva bahay ng dalawang kapwa singers.
Aniya, “It was time for me to go. Hindi naman ako kailangan na nandoon lang. I mean, they were there during that time na, that phase ng buhay ko.
“Kasi kami ni Kris, we're very spiritual, na lahat ng tao na nakikilala natin, mayroon silang purpose sa buhay natin. Whether nasaktan nila tayo, siguro ang purpose nila ay matuto tayo. Sabi nila, hindi daw nagbabago ang mga tao. But you know what, pwedeng matuto.”
Sa ngayon, masaya at kuntento na raw si Geneva sa piling ng kanyang nine-year-old daughter si London kaya hindi niya naiisip ang pumasok sa bagong relasyon.