
Mag-iisang taon na mula noong pumanaw ang ina ng Little Princess actress na si Geneva Cruz na si Marilyn Cruz.
Yumao ang ina ng singer-actress noong April 2021 sanhi ng COVID-19.
Hanggang ngayon ay nangungulila pa rin si Geneva sa kaniyang ina kaya bilang pag-alala sa kaniyang mahal na Mama, pina-tattoo ni Geneva ang pangalan nito sa kaniyang forearm
Pina-tattooo niya ang salitang "Mama" sa kaliwang bisig at pangalan nitong "Marilyn Cruz" sa kanan.
Bahagi ni Genva sa March 17 Instagram post niya, "In honor of our mother.
"If love could have saved you, mama, you would have lived forever.
"I miss you so, so much. I wish people could realize the importance of a mother's love while still living in this lifetime.
"I'll do anything to hug you again, but I hope your pure love brings joy to people up in heaven, too, just like it did when you were here. I love you forever and always."
Nagsagawa ng online fundraising show si Geneva sa kaniyang YouTube channel matapos niyang malaman ang kondisyon ng ina. Nalagay din ito sa critical care ng isang ospital sa Las Piñas.
Samantala, narito ang pagbibigay-pugay ng GMANetwork.com sa ilang celebrities at personalidad na pumanaw dahil sa komplikasyon ng COVID-19.