
Sa kauna-unahang pagkakataon ay mapapanood sa GMA Network ang Kapamilya actor na si Gerald Anderson sa kaniyang paglalaro sa trending weekday game show na Family Feud.
Sa upcoming episode ng nasabing programa, kasama si Gerald ay makakalaban niya ang kaniyang leading lady sa pelikulang Unravel, at Mga Lihim ni Urduja star na si Kylie Padilla.
Nitong Sabado, March 25, nag-taping sina Gerald at Kylie para sa kanilang guesting sa Family Feud. Ito rin ang first time na magkakasama sina Gerald at ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes na host ng naturang game show.
“First time ko rito sa Family Feud, and first time ko rin dito sa GMA Studio so it's very exciting, mababait 'yung mga staff, so we're just excited to play,” ani Gerald sa kaniyang unang pagtapak sa GMA.
Mapapanood ang nasabing episode ng paghaharap nina Gerald at Kylie sa Abril, kasabay ng week-long anniversary celebration ng Family Feud.
Samantala, abangan din ang pelikulang Unravel sa 1st Summer Metro Manila Film Festival na magsisimula sa April 8 hanggang April 18.
Manatili namang tumutok sa Family Feud, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 ng hapon sa GMA. Maaari rin itong mapanood via livestream sa Family Feud YouTube channel at Family Feud show page sa GMANetwork.com.
NARITO NAMAN ANG ILAN SA MGA DAHILAN KUNG BAKIT DAPAT PANOORIN ANG PELIKULANG UNRAVEL NINA KYLIE PADILLA AT GERALD ANDERSON: