
Isa ang Unravel actor na si Gerald Anderson sa mga dapat abangan na contestants ng hit game show na Family Feud at sa paglalaro niya sa "Fast Money" round, hindi maiwasang ma-shookt ang aktor sa hirap ng mga questions na ibinabato ng game master na si Dingdong Dantes.
Sa isang exclusive video na uploaded ng Family Feud at GMA Network sa Instagram, ipinakita ang laro ni Gerald sa nasabing round kung saan ayon kay Dingdong ay kailangan niya ng 150 points para makuha ang jackpot.
At ang unang tanong kay Gerald, “Sa isang taon, ilang beses ka gumagamit ng toothpick?”
Bukod pa ay kakaiba at mahirap din ang mga tanong ni Dingdong, tulad ng average height ng giraffe, ibang bagay bukod sa halaman na kulay green, at ilang araw ang biyahe papuntang Mars.
Kahit hirap ay game naman si Gerald na sagutin ang mga tanong na nakakuha namang ng one point bago ipaalam sa kaniya ng audience na “It's a prank!”
“Ano ba?! Seryoso?!” natatawang sabi ng aktor.
Kahit ganun, bilib pa rin si Dingdong na “straight faced” sinagot ni Gerald ang mga tanong, samantalang ang co-star niyang si Kylie Padilla, “hay, kawawa” na lang ang nasabi.
Masaya namang binati ni Gerald ang programa ng happy anniversary.
Abangan ngayong lunes sa anniversary week ng Family Feud sina Gerald, Kylie, at iba pang cast ng summer film fest movie nila na Unravel.
BALIKAN ANG ILAN SA MGA TRENDING AT MOST-WATCHED EPISODES NG FAMILY FEUD SA GALLERY NA ITO: