GMA Logo Aiai Delas Alas and Gerald Sibayan
Source: msaiaidelasalas (Instagram)
Celebrity Life

Gerald Sibayan, takot mapagalitan ni Aiai Delas Alas dahil sa hindi paglilinis ng bahay?

By Jimboy Napoles
Published April 22, 2022 5:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Top US Catholic cardinals question morality of American foreign policy
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Aiai Delas Alas and Gerald Sibayan


Aiai Delas Alas, nagagalit nga ba kay Gerald Sibayan kapag hindi ito nakapaglinis ng bahay?

Ibinahagi ni Comedy Queen Aiai Delas Alas ang nakatutuwang palitan ng pag-uusap nila ng asawa na si Gerald Sibayan patungkol sa paglilinis ng bahay.

Base sa kanilang pag-uusap, maaga raw na naglinis ng bahay si Gerald dahil ayaw raw nito na mabungangaan siya pagdating ng kanyang misis na si Aiai.

A post shared by AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas)

"Kakatapos ko lang linis bahay natin darling ko.Todo linis kasi si misis, dadating na hahaha," mensahe ni Gerald.

"Hahahahhahaa sige para bunganga ng asawa mo alam mo na saan mapupunta," sagot naman ni Aiai.

Pabalik na sagot naman ni Gerald, "hahahahaha M16 hahaha."

Nagpasalamat naman si Aiai sa pag-aalaga at kasipagan na ipinapakita ng kanyang mister.

"Cute mo talaga darl...kilalang kilala mo na ugali ko haha...labyu talaga darl thank you sa linis," bahagi ng caption sa post ni Aiai.

Abangan naman ang pagbabalik drama ni Aiai kasama ang Sparkle star na si Shayne Sava sa pinakabagong Kapuso serye na Raising Mamay na mapapanood na simula sa Lunes, April 25, 3:25 ng hapon sa GMA Afternoon Prime.

Samantala, silipin naman ang kilig married life ng mag-asawa na sina Aiai at Gerald sa gallery na ito.