
Isang fresh na tambalan ang tampok sa bagong episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.
Bibida kasi sa episode na pinamagatang "Maid With Love" sina Gil Cuerva at AZ Martinez.
Si Gil ay si Carlo, isang lalaking napaka-strict pagdating sa paglilinis at pag-aayos ng kanyang mga gamit sa bahay.
Si AZ naman ay si Mara, babaeng hahalili sa kanyang lolang may sakit bilang maid ni Carlo.
Hot and cold si Carlo kay Mara--kung hindi ito sumisigaw dahil hindi naaayon sa kanyang standards ang ginawa ni Mara, wala itong imik at hindi namamansin.
Bakit nga ba napakasungit ni Carlo? Magagawa bang palambutin ni Mara ang kanyang puso?
SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO:
Abangan ang brand new episode na "Maid With Love," February 4, 4:15 p.m. sa Regal Studio Presents.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com/KapusoStream.