Celebrity Life

Gil Cuerva, inilahad ang money goals ngayong taon

By Marah Ruiz
Published August 26, 2026 10:19 AM PHT

Around GMA

Around GMA

MV June Aster captain missing, faces probe over deadly fire
The Young Achievers Podcast: Abi Marquez and her love for food
KALURKS!: Aiai Delas Alas at Kim Ji-soo, makakasama sa chismisan! (Episode 1 Teaser)

Article Inside Page


Showbiz News

Gil Cuerva


May bagong goals si Gil Cuerva na may kinalaman sa pera ngayong taon.

Nag-celebrate si Kapuso actor and model Gil Cuerva ng kanyang 31st birthday kamakailan.

Ipinagdiwang niya ito kasama ang mga kaibigan na sinorpresa siya ng cake.

Handa na raw si Gil sa "next chapter" ng kanyang buhay at kasabay nito ang bagong goals na ibinigay niya sa kanyang sarili.

"I'm trying to be wiser with my money kasi gusto kong maging financially stable. I want to prepare myself for that point in my life where I'm gonna start slowing things down. Hindi na 'ko [bata]," lahad ng aktor.

"I know I'm 'only 31' but I'm also '31 na' so I'm just trying to ready myself for that next chapter in my life," dagdag niya.

Hindi rin daw siya nagmamdali na maghanap ng significant other sa ngayon.

"Wala muna. Wala muna para when the right one comes, I'm ready," paliwanag ni Gil.


Samantala, nakatakdang maging guest star si Gil sa sa tech-driven action-drama series na Taskforce Firewall.

"I'll be playing the role of Hans. Mayroon akong kapatid, hindi ko muna iso-spoil kung sino 'yung kapatid ko pero siya 'yung parang mas boss ko. Si Hans mayroon siyang ginagawang mga dirty activities na magiging subject ng Taskforce Firewall to solve," bahagi niya tungkol sa kanyang karakter.

Masaya din sa Gil sa pagbabalik niya sa action matapos gumanap bilang PDEA agent sa 2019 series na Beautiful Justice.

"I love to do action. I get in a good sweat. Ang saya din! At saka 'pag nakikta mo 'yung eksena ng buo, napaka fulfilling na makita na lahat ng ginagawa kong mga stunts and stuff like that were put into good use," lahad niya.

Abangan si Gil Cuerva sa Taskforce Firewall, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime. Naka-simulcast ito sa GMA-7, Heart of Asia, at I Heart Movies.

May second telecast din ito sa GTV tuwing 10:30 p.m. at mapapanood din GMA Play.

I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available rin ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.

Panoorin ang buong panayam ni Aubrey Carampel kay Gil Cuerva para sa 24 Oras sa video sa itaas.