What's on TV

Gina Alajar, humanga kay Claire Castro matapos tumangging magpa-"double" sa 'Nagbabagang Luha'

By Jansen Ramos
Published October 12, 2021 4:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
US State Department expands visa restriction policy in Western Hemisphere
GMA Kapuso Foundation, namahagi ng tulong sa mga apektado ng mahal na langis sa Mt. Province sa ilalim ng Operation Bayanihan Project | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

claire castro and gina alajar in nagbabagang luha


Gina Alajar on Claire Castro's portrayal in 'Nagbabagang Luha': "Para sa kanya...huwag muna nating dayain. Kung kaya kong totohanan, totohanan na lang."

Humanga si Gina Alajar sa baguhang aktres at Nagbabagang Luha co-star niya na si Claire Castro. Si Claire ang gumaganap sa papel na Cielo na main kontrabida sa GMA afternoon drama.

Kamakailan ay nag-viral ang kanilang eksena kung saan nakatanggap ng backhand slap, sabunot, at kaladkad si Claire mula sa batikang aktres, na talaga namang sinubaybayan ng mga manonood.

"I had to focus on what I was supposed to do kasi may mga instructions. I had to think of the timing also para hindi nagmamadali 'yung cameraman, para hindi nagmamadali 'yung shots ni Direk Ricky (Davao)," paliwanag ni Gina na gumaganap sa papel na Mrs. Calida Montaire sa Nagbabagang Luha.

Ayon kay Gina, very cooperative si Claire sa trabaho at nagtutulungan sila para mas maging makatotohanan ang eksena.

"Sinabi ko sa kanya, 'Claire, sumunod ka lang sa pagsabunot ko sa 'yo. 'Wag kang kumontra kasi once na kumontra ka, mas masasaktan siya kasi mas lalo kong hihilahin 'yung buhok niya," ika ng magaling na aktres.

"Sabi ko iwas na lang, isabay [niya sa sampal. Sabi niya,] it's an honor for me na masampal po ninyo."

Lalong bumilib si Gina sa anak nina Diego Castro at Raven Villanueva nang alangan itong kumuha ng "double" para sa eksena.

"Para sa kanya, huwag muna. She has a long way to go, huwag muna nating dayain. Kung kaya kong totohanan, totohanan na lang," ani Gina.

Nagpasalamat naman ang actress/director sa mga tumatangkilik sa Nagbabagang Luha na mapapanood na lang sa loob ng dalawang linggo.

"Ako po ay nagpapasalamat sa mga tumatangkilik ng Nagbabagang Luha at maraming, marami pa ang eksena ang darating sa huling dalawang linggo ng Nagbabagang Luha."

Pinagbibidahan nina Glaiza De Castro at Rayver Cruz ang Nagbabagang Luha, kasama si Claire Castro.

Tampok din sa serye sina Mike Tan, Alan Paule, Archi Adamos, Myrtle Sarrosa, Royce Cabrera, at Karenina Haniel.

Mula sa direksyon ni Ricky Davao, ang Nagbabagang Luha ay mula sa nobela ni Elena Patron na isinapelikula noong 1988 ng Regal Films.

Mapapanood ang GMA Afternoon Prime series mula Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA-7.

Sa mga nais balikan ang full episodes ng Nagbabagang Luha at iba pang programa ng GMA, pumunta lang sa GMANetwork.com o GMA Network app.

Para naman sa mga Kapuso abroad, bisitahin ang www.gmapinoytv.com para sa iba pang impormasyon kung paano mapapanood overseas ang drama series.