GMA Logo claire castro and gina alajar in nagbabagang luha
What's on TV

Gina Alajar, nag-sorry kay Claire Castro matapos ang backhand slap sa 'Nagbabagang Luha'

By Jansen Ramos
Published October 12, 2021 7:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Regional TV News (December 18, 2025)
Got complaints vs. gov't employees? AI bot Tala is here to help
4th leg ng Noel Bazaar nasa Filinvest Tent sa Alabang, mula Dec.19-21, 2025 | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

claire castro and gina alajar in nagbabagang luha


Gina Alajar sa kanyang backhand slap kay Claire Castro sa 'Nagbabagang Luha': "I really hugged her so tight and said 'I'm sorry, I'm sorry, I'm sorry' that gano'n kasi talagang napakalakas 'yung sampal ko."

Usap-usapan online ang impromptu backhand slap ni Gina Alajar kay Claire Castro sa Nagbabagang Luha. Sa katunayan, umabot pa sa three million ang views nito sa official Facebook page ng GMA Network.

Malakas ang totohanang sampal na pinado ni Gina sa mukha ni Claire at kitang-kita sa reaksyon ng young actress ang gulat sa tumamang sampal sa kanya.

"Actually, lahat po kami nagulat e kasi ang alam po namin na gagawin ni Direk (Gina) is haharap pa po then sasampal. Lahat kami, kahit nakita niyo po 'yung reaksyon ni Ate (Glaiza De Castro), napatakip ng bibig po talaga siya e," bahagi ni Claire sa panayam ni Lhar Santiago sa “Chika Minute” segment ng 24 Oras noong Lunes, October 11.

Ipinost pa ng bidang si Glaiza De Castro sa Instagram kung paano sila nagulat ng kanyang kaeksenang si Mike Tan habang walang bitawan sa kanilang mga karakter.

A post shared by Glaiza De Castro (@glaizaredux)

Paliwanag ni Gina, "Sabi ko kay Direk Ricky (Davao), sinuggest ko na imbes na pagharap ko, sampalin ko siya dito, since nasa (kanan na 'yung kamay ko), i-backhand ko na siya. Kasi alam ko meron nakapagsabi sa akin no'n kapag sinampal ka ng patalikod, it's very humiliating."

Inamin ng seasoned actress and TV director na napalakas ang kanyang sampal kay Claire kaya naman abot-abot ang paghingi niya ng sorry dito.

"After the sampal, I really hugged her so tight and said 'I'm sorry, I'm sorry, I'm sorry' that gano'n kasi talagang napakalakas 'yung sampal ko tapos sabi nya 'It's okay po, I can take it.' Napaka bait naman ng batang 'yun," dagdag pa niya.

Hindi lang sampal ang inabot ni Claire mula kay Gina dahil iningudngod din siya sa cake at binuhusan ng tubig kaya makikita ang pagdurusa ng karakter ng 23-year-old actress.

Ayon kay Claire, nakatulong ang personal niyang pinagdadaanan para mag-breakdown sa harap ng kamera.

"Siguro halos 40 minutes akong naligo after no'n kasi po 'yung hair ko ayaw po matanggal ng icing. Saka sa ears ko po ang dami pero ang saya po ng scene na 'yun for me kasi lahat po siguro ng pinagdadaanan sa personal life ko, nilabas ko po do'n by crying."

Panoorin ang buong ulat dito:

Pinagbibidahan nina Glaiza De Castro at Rayver Cruz ang Nagbabagang Luha, kasama si Claire Castro.

Tampok din sa serye sina Mike Tan, Alan Paule, Archi Adamos, Myrtle Sarrosa, Royce Cabrera, at Karenina Haniel.

Mula sa direksyon ni Ricky Davao, ang Nagbabagang Luha ay mula sa nobela ni Elena Patron na isinapelikula noong 1988 ng Regal Films.

Mapapanood ang huling dalawang linggo ng GMA Afternoon Prime series mula Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA-7.

Sa mga nais balikan ang full episodes ng Nagbabagang Luha at iba pang programa ng GMA, pumunta lang sa GMANetwork.com o GMA Network app.

Para naman sa mga Kapuso abroad, bisitahin ang www.gmapinoytv.com para sa iba pang impormasyon kung paano mapapanood overseas ang drama series.