GMA Logo GCode sa The Voice Generations
What's on TV

Girl group na G-CØDE, pasok na sa next round ng kompetisyon sa The Voice Generations

By Jimboy Napoles
Published October 6, 2023 10:00 AM PHT
Updated October 6, 2023 11:30 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Mav Gonzales, isinilang na ang baby girl nila ni Matthew Valeña
1 dead, 3 hurt after truck rams 5 vehicles in South Cotabato
Homegrown luxury jewelry brand is making waves in the global diamond industry

Article Inside Page


Showbiz News

GCode sa The Voice Generations


Isa ang G-CØDE sa mga talent ni Coach Billy Crawford na magpapatuloy pa sa susunod na round sa 'The Voice Generations.'

Pasok na sa next round ng kompetisyon sa The Voice Generations ang nag-iisang girl group ng Team Bilib ni Coach Billy Crawford na G-CØDE.

Ang G-CØDE ay binubuo ng mga batang singer-dancer na sina Hyacinth, Niña, Allana, Mecca, Zandra, at ang pinakamatanda sa grupo na si Louisse.

(L-R) Niña, Allana, Mecca, Louisse, Zandra, and Hyacinth.

Bago pa sila mabuo bilang G-CØDE, nanggaling muna sa iba't ibang grupo ang anim. Karamihan sa kanila ay sumasali na noon sa iba't ibang sing and dance contest na naging daan din upang sila ay mga magkakilala.

Magkakaiba man ang edad at personalidad, ibinahagi ng grupo na masaya sila sa nabuo nilang grupo.

Kuwento ni Hyacinth, “Sobrang saya po na maging part ng group na ito, kapag magpa-practice po kami, palagi po kaming masaya, nagdiyo-joke.”

Pero gaya ng ibang grupo, aminado rin sila na mayroon din silang mga hindi pagkakaunawaan pero hindi naman daw ito nagiging dahilan upang mabuwag ang kanilang grupo.

“May mga misunderstanding din po kami. Parang paano namin mako-cope-up 'yung problem? Hindi namin siya pinapalaki kasi 'yun talaga 'yung reason kung bakit may mga group na nagse-separate,” ani Mecca.

Matatandaan na napaikot ng G-CØDE sina Coach Billy, at Coach Chito Miranda noong blind auditions dahil sa kanilang intense performance ng kantang “Amakabogera.”

Sa kanila namang Sing-Off performance, muli nilang pinahanga ang kanilang napiling coach na si Billy sa mas pinaangas nilang version ng awiting “Salute.”

Dahil dito, isa sila sa mga pinili ni Coach Billy upang magpatuloy sa susunod na round ng kompetisyon, ang Battle round.

Samantala, aminado naman si Coach Billy na hindi pa pulido ang ipinakitang performance ng grupo, pero hanga siya sa pagiging positibo ng mga ito sa kanilang paglaban sa kompetisyon.

Aniya, “It's not perfect, like anything. Hindi naman puwedeng maging perfect na lahat. But, I'm just very happy with the positivity, 'yung pagiging malalakas nilang kababaihan. I'm very very proud of them.”

Dagdag pa niya, “They did a great job, for a first time na pumasok sa kompetisyon na ganito kalaki. Kudos! Salute, G-CØDE.”

Ang The Voice Generations ay ang newest spin-off ng biggest singing competition sa mundo na The Voice mula sa ITV Studios.

Napapanood ito for the first time hindi lamang sa Pilipinas kung 'di pati na rin sa buong Asya via GMA Network.

Tutukan ang The Voice Generations sa bago nitong oras, 7:35 p.m. tuwing Linggo pagkatapos ng BBLGANG.