
Kasalukuyang napapanood sa GMA Prime ang historical drama na Pulang Araw, murder mystery drama na Widows' War, at ang drama series na Asawa Ng Asawa Ko.
Ang viewers at fans ng tatlong serye, tila handa na sa giyera sa GMA Prime.
Kamakailan lang, pinapili ng GMANetwork.com ang mga manonood ng Pulang Araw, Widows' War, at Asawa Ng Asawa Ko, kung sino sa mga karakter ng tatlong palabas ang gusto nilang maging kakampi kung sakali mang mapapasabak sila sa isang giyera.
Mabilis namang nagdesisyon at sumagot ang viewers patungkol dito.
Mula sa apat na grupo, Team 3 ang nakakuha ng pinakamataas na boto.
Kabilang sa Team 3 sina Cristy (Jasmine Curtis-Smith) ng Asawa Ng Asawa Ko, Sam (Bea Alonzo) at Rebecca (Rita Daniela) ng Widows' War, at si Hiroshi (David Licauco) na parte naman ng Pulang Araw.
Bukod sa naging resulta ng poll, mababasa rin sa comments section sa social media accounts ng GMA Network na marami talagang viewers ang gustong kumampi sa Team 3.
Kung hindi ka pa nakakapili ng grupong gusto mong magiging kakampi, maaaring sagutan ang poll sa ibaba.