What's Hot

Gladys Gueverra, pinasok na rin ang pagtitinda ngayong pandemic

By Dianara Alegre
Published July 16, 2020 11:44 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Hirit Livestream: December 17, 2025
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Gladys Guevarra


Gladys Guevarra, nag-e-enjoy at proud sa pagtitinda ng kakanin at dessert ngayong may pandemic.

Pinasok na rin ng komedyanteng si Gladys Guevarra ang pagnenegosyo ngayong panahon ng pandemic upang magkaroon ng extra income.

Hindi lang pala siya sa pagkanta at pagpapatawa mahusay dahil magaling ding magluto si Gladys.

Sa social media idinaan ng komedyante ang pagtitinda ng mga luto niya mismong pagkain gaya ng mga kakanin at desserts.

“Nag-try ako mag-culinary dati pero hindi ako naka-graduate. Bilang tambay ka naman ng kusina ngayong lockdown, imbento-imbento, sabi ko, 'Ibenta ko kaya ito?] So ibinenta ko ko 'yung palitaw.

Isang post na ibinahagi ni Gladys “Chuchay” Guevarra (@igladysguevarra) noong

Eto naaaaaaaaaa! Pawing pawi lahat ng inilungkot ko nung lockdown. Kung magla-lockdown pa rin, ok nako wag lumabas basta meron ako nito. ❤️❤️❤️ Grabe ka! Syaaarrraaaaaaap!!!!!!! Apaka Saraaaaap! #burntcheesecake . . . Wag na kayo lumabas, mag stock na kayo nito. 😂 Order na kay @calisdelight @calisdelight @calisdelight ❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️

Isang post na ibinahagi ni Gladys “Chuchay” Guevarra (@igladysguevarra) noong

Ayon pa sa kanya, umuwi siya ng Olongapo City para makapiling ang kanyang pamilya at gaya ng marami, nakaranas din ng anxiety si Gladys sa nakalipas na tatlong buwan ng quarantine.

Bukod sa kinikita niya sa pagtitinda, naging diversion niya umano ito para hindi malugmok sa lungkot lalo nang mabalitaan ang pagsasara ng comedy bars na Zirkoh at Klownz, kung saan siya nagtatrabaho.

“Nagpa-panic attacks na ako. Nag-a-anxiety na ako. Nade-depress na ako. Walang tapings, bawal ang mass gatherings pa. 'Yung shows sa gabi, 'yung Klown at Zirkoh, tingnan mo naman ang inabot namin. Nagsara na nga rin. So inisip namin wala na kaming babalikan,” aniya.

Bagamat bago ito sa kanya, proud at nag-eenjoy umano siya sa kanyang bago negosyo.

Payo naman niya sa publiko na nagnanais na magsimula nang bago, “Lahat ng pwedeng pagsimulan, fishball, kung anu-anong mga maliliit na bagay kasi 'di ba 'yung mayayaman hindi naman overnight naging mayaman 'yan. 'Di ba? Start muna sa maliit.”

Matatandaang nagbukas ng kanyang food business na Kitchen ni Chuchay si Gladys sa Quezon City noong January.

Paano nabuo ang bagong food business ni Gladys Guevarra na Kit-Chay?

Make Up by @alvin_gerard 😊 Hair by @fhaty_mercado05 Wardrobe @ashaquino_ #spsnationalsinglesday

Isang post na ibinahagi ni Gladys “Chuchay” Guevarra (@igladysguevarra) noong