What's on TV

Gladys Reyes, sinumbatan at sinampal si MC sa 'It's Showtime'?

By Kristine Kang
Published February 26, 2025 5:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

New economic zones to lure P3-B in investments — Recto
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025
Girl rescued, hostage-taker killed in Marawi City

Article Inside Page


Showbiz News

its showtime


Bakit kaya nag-away sina Gladys Reyes at MC sa 'It's Showtime'? Alamin dito.

Tila naranasan ni MC ang tapang at bagsik ng karakter ni Gladys Reyes sa upcoming Kapuso drama series na Cruz vs. Cruz.

Nitong Martes, February 25, bumisita si Gladys sa musical segment ng It's Showtime na "Hide and Sing." Masaya siyang nakisali sa paghula kung sino ang tunay na celebrity singer sa tatlong TagoKanta participants.

Habang nahihirapan siyang pumili, itinuro ni Vice Ganda si MC upang tumulong.

"MC, parang hindi tayo nagkatrabaho sa [And the Breadwinner Is...]. Paano ba 'yung atin? Halika na, sabihin mo na,"pakiusap ni Gladys.

Agad namang sumagot si MC, "Ba't parang nanunumbat ka?"

Napa-"Oooh!" na lang ang madlang people at hosts nang magsimula ang mainit na sagutan ng dalawa.

"Hindi kita sinusumbatan. Sinasabi ko lang, nandito na tayo ngayon, 'di ba? Para naman medyo hindi naman kahiya-hiya tayo dito," sagot ni Gladys na may halong inis sa boses.

Tugon naman ni MC, "Dapat kasi kapag humihingi ka ng tulong, makiusap ka. Hindi 'yung ganiyan, 'yung boses mo Gladys."

Balik ng aktres, "E, bakit ka ganiyan? Parang nagagalit ka rin."

Sagot ni MC, "Ay, hindi, Gladys. Siyempre, hindi ako uurong sa iyo, Gladys.

Nakisakay rin sa asaran ang mga host, parang awayan ng mga bata.

"Ay! Hindi ka uurungan daw Gladys," biro ni Vice Ganda.

Hirit ng kontrabida star, "MC naman, parang wala naman tayong pinagsamahan."

Sagot ni MC, na tila nagtataray,"Meron nga tayo pinagsamahan, pero huwag mo isumbat palagi para tulungan ka,"

Lalong uminit ang sagutan nang biglang bumanat si MC, "Nako! Baka madali kita ngayon."

Balik ni Gladys, "Ah! So ganoon? So ako pa ngayon ang madadali mo? 'Pag sa dressing room, nakasalubong tayo parang ang bait mo, pero dito parang iba ang ugali."

Habang tuloy ang kanilang sagutan, natawa ang audience nang mapansin ni Vice na tila masyado nang tumatagal ang kanilang banters.

"Bigyan mo na kasi ng isa para ma-turn over ko na Gladys," biro ng Unkabogable Star

"Ah, gusto ko kasi ito!" gigil sinabi ni Gladys, sabay biglang sampal kay MC.

Nagulat ang comedian-host at napatunganga na lang sa stage. Agad namang niyakap siya ni Gladys habang tumatawa.

"Ba't hindi mo kaagad sinabi. Tutulungan kita, tutulungan kita," pabirong sabi ni MC."'Yung number three. Gawin mo sa number three. Tingnan ko na lang kung hindi ka reresbakan."

Sa huli, nanalo si Gladys nang piliin niya ang number one TagoKanta, na walang iba kundi si Dianne Dela Fuente.

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.

Samantala, malapit nang mapanood si Gladys sa upcoming Kapuso series na Cruz vs. Cruz, kung saan makakasama niya sina Vina Morales, Neil Ryan Sese, at iba pang mahuhusay na aktor sa showbiz.

Balikan ang iba pang Kapuso stars na bumisita sa It's Showtime: