
Isa na namang fun at exciting na hulaan ang naganap sa noontime program na It's Showtime noong Biyernes (January 31).
Ang sumabak sa musical segment na "Hide and Sing" ay walang iba ang TNT hurado at King of Acoustic Pop, na si Nyoy Volante.
Matindi ang pagkilatis ng Tagahula dahil sa talento at galing nito sa musika. Unang round pa lang, tama na ang kanyang napiling TagoKanta singer na isa raw celebrity artist.
"Pakiramdam ko lang, number two," simpleng sagot ni Nyoy.
Mas lalong nanindigan sa kanyang sagot nang pinakanta isa-isa ang performers. "Si number two, meron siyang quality of an artist na matagal na established kumbaga. A little grace," paliwanag ng Tagahula. "I don't know kung bagong artist or ano pero definitely [wala siyang kaba]."
Kahit tama ang kanyang napili, mali naman ang kanyang hinulaang artista sa likod ng hood. Ang akala niyang si Morissette ay walang iba kung hindi ang Kapuso singer na si Aicelle Santos.
"This is my first time (sa show)," masiglang sinabi ni Aicelle. "Masaya (ang experience dito)."
Ang pagbisita ni Aicelle sa fun noontime show ay naging hot topic online. Umabot pa ito sa top 20 trending list sa X (dating Twitter) kung saan marami ang natuwa makita at mapakinggan ang performance ni Aicelle. Marami ring madlang people ang nakihula at tumama ang sagot dahil alam na alam daw nila ang boses ng Kapuso singer.
Bilang pasasalamat, nag-post si Aicelle mismo sa kanyang social media. Sinulat niya, "Akalain mo yun! We're trending ha! Chalamut!"
Akalain mo yun! We're trending ha! Chalamut! #IkawPaRin #IsangHimala #BestJANSaShowtime pic.twitter.com/7WqozbyEqP
-- Aicelle Santos 🇵🇭 (@aicellesantosme) January 31, 2025
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.
Balikan ang pagbisita ni Aicelle Santos sa It's Showtime, rito: