GMA Logo Glaiza De Castro Angel Guardia Kokoy De Santos
What's on TV

Glaiza De Castro, Angel Guardian, Kokoy De Santos, looking forward sa Season 2 ng 'Running Man Philippines'

By Jimboy Napoles
Published January 12, 2024 9:38 AM PHT
Updated January 12, 2024 9:58 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Massive fire kills 6 in Pakistan’s Karachi, destroys shopping center
No classes in Cebu City, province after Sinulog festivity
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Glaiza De Castro Angel Guardia Kokoy De Santos


Ano kaya ang kinakatakot ng runners sa Season 2 ng 'Running Man Philippines'?

Isa na namang masayang episode ng Fast Talk with Boy Abunda ang napanood ngayong Huwebes kasama ang tatlo sa Running Man Philippines cast na sina Glaiza De Castro, Angel Guardian, at Kokoy De Santos.

Bago sila lumipad patungong South Korea para sa Season 2 ng naturang reality game show, sumalang muna ang tatlong Kapuso stars sa easy, extra, at extreme “Fast Talk” ng batikang TV host na si Boy Abunda.

Pero bago ito, ibinahagi muna nina Glaiza, Angel, at Kokoy ang kanilang mga expectations sa muling pagbasa sa mga misyon sa Running Man Philippines Season 2 Winter Edition.

Ayon kay Glaiza, “Snow po talaga. Siyempre challenging na po 'yung season 1. Extra challenging 'tong season 2 kasi physical po 'yung activities namin e, pa'no po namin gagawin 'yun kung nag-i-snow?”

Dagdag naman ng tinanghal na Ultimate Runner ng Running Man Philippines Season 1 na si Angel, “Ako, Tito Boy, 'yung mga mission ang nilu-look forward ko talaga kasi na-miss namin 'yun lahat e. It's been a year and lahat kami talaga naghintay for this.”

“Ako, Tito Boy yung snow, mission, at bonding din siguro,” ani naman ni Kokoy.

Biro pa ni Kokoy, hindi niya na iniisip ang lamig ng snow dahil naroon naman daw ang kanyang crush na si Angel.

Makakasama pa rin nina Glaiza, Angel, at Kokoy ang iba pang runners na sina Mikael Daez, Lexi Gonzales, at Buboy Villar sa Season 2 ng Running Man Philippines.

Bagamat abala sa kanyang seryeng Black Rider, parte pa rin ng bagong season si Ruru Madrid dahil may mahalaga siyang partisipasyon dito.

Samantala, makikilala naman ang ikapitong runner ng Running Man Philippines Season 2 sa mga susunod na araw.