GMA Logo ruru madrid
What's on TV

Ruru Madrid wishes fellow 'Running Man PH' runners good luck

By Kristian Eric Javier
Published January 8, 2024 1:43 PM PHT
Updated January 8, 2024 5:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Bystander who tackled armed man at Bondi Beach shooting hailed as hero
Visually impaired soldier promoted from captain to major
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

ruru madrid


Hindi man makakasali sa season 2 ng 'Running Man PH,' well wishes naman ang pabaon ni Ruru Madrid sa kaniyang fellow Runners.

Matapos i-announce ang second season ng Running Man Philippines, ipinaalam ng isa sa mga dating runners nito na si Ruru Madrid na hindi siya makakatakbo sa bagong season. Sa halip, sinabihan niya ang kaniyang fellow runners ng “good luck.”

Sa X (dating Twitter), nag-post si Ruru ng pictures ng runners na sina Glaiza De Castro, Mikael Daez, Angel Guardian, Kokoy De Santos, Lexi Gonzales, at Buboy Villar. Sa isa sa mga ito ay may hawak pa si Buboy ng poster ni Ruru.

“Goodluck sa inyo para sa season 2 ng RMPH! Gusto ko lang sabihin sa inyo na sobrang mamimiss ko kayo!” post ni Ruru.

Nagbilin din si Ruru sa kanyang kapwa mga runners, "Galingan niyo lagi sa bawat Missions niyo at laging tatandaan na CHILL lang haha!"

Sa huli, sinabi ng Black Rider actor, “Mahal ko kayong lahat! Hanggang sa muli nating pagtakbo ng magkakasama! Let's Go RunningMan!”

Tingnan ang post ni Ruru dito:

BALIKAN ANG UNANG CAST NG 'RUNNING MAN PH' SA GALLERY NA ITO:

Noong January 4 nang unang maglabas ng teaser ang Running Man Philippines para sa season 2 nito. Bukod dito, nag-tease din ang ilan sa mga runners tulad nina Glaiza, Kokoy, Buboy, at Lexi sa second season ng mag-post sila photos ng kanilang Running Man shoes sa kani-kanilang Instagram accounts.

“#RMPhReadyToRun” caption nila sa kanilang mga post.

Pagkatapos ng performance ng runners sa Sunday noontime variety show na All-Out Sundays, ibinahagi ni Mikael na Winter Edition ang second season ng reality game show, at lilipad na sila papuntang South Korea ngayong linggo.

“Mas exciting, pero mas challenging itong season two kasi lahat ng mission ay gagawin namin sa napakalamig na panahon,” sabi niya.

Dito rin ibinahagi ni Mikael na hindi nila makakasama si Ruru dahil on-going ang taping ng action-drama series nito na Black Rider. Pero nilinaw ng aktor na hindi naman aalis ang Action Drama Prince sa show, at sinabing “Runner pa rin siya forever!”

Dagdag niya, “Kaya may special participation din si Ruru sa [season two]. Abangan n'yo yan, dahil madadagdagan pa ng isang Runner… Oy! Sino yan?”

Panoorin dito: