GMA Logo Tadhana My Husband's Wedding
Source: Tadhana (FB)
What's on TV

Glaiza de Castro at Juancho Trivino, bibida sa 'Tadhana: My Husband's Wedding'

By Bianca Geli
Published June 11, 2026 1:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Lalaking negosyante, patay nang pagbabarilin sa loob ng bodega; mahigit P200K natangay
Anthony Rosaldo, Jeff Moses join the cast of 'Bongga Ka 'Day!: The Annie Batungbakal Musical'
Ateneo rookie Rene Baterbonia died of asphyxia by drowning, police confirms

Article Inside Page


Showbiz News

Tadhana My Husband's Wedding


Buong akala ni Grace ( Glaiza de Castro) ay para sa kanilang renewal of vows ang pag-uwi ng kanyang mister na OFW mula New Zealand, ngunit ibang babae pala ang balak nitong pakasalan.

Matinding pagkabigla ang naghihintay kay Grace (Glaiza de Castro) matapos niyang matuklasan na hindi pala para sa kanilang renewal of vows ang pag-uwi sa Pilipinas ng kanyang mister na si Daniel (Juancho Trivino), isang OFW sa New Zealand.

Sa episode ng Tadhana na pinamagatang "My Husband's Wedding," buong akala ni Grace na mabubuo na muli ang kanilang pamilya at muling haharap sa altar ang mag-asawa matapos ang matagal na pagkakahiwalay dahil sa trabaho ni Daniel sa ibang bansa.

Ngunit sa halip na si Grace ang makasama sa altar, isa palang babae na nagngangalang Selena ang balak pakasalan ni Daniel.

May bisa pa ba ang kasal nina Grace at Daniel? At mapipigilan pa kaya ni Grace ang planong pagpapakasal ng kanyang mister sa ibang babae?

Abangan ang kuwento ng Tadhana: My Husband's Wedding ngayong Sabado, 3:15 p.m. sa GMA-7, at sa livestream ng GMA Public Affairs sa Facebook at YouTube.