
Binigyan ng titulo ang Kapuso star na si Glaiza De Castro ng kanyang supporters dahil sa kanyang pagganap at kontribusyon sa Philippine television.
"Asia's Fire of Drama" ang ibinansag sa magaling na aktres, ayon sa post ng Kapuso Netizens sa kanilang Facebook page.
Ayon sa post, "nagliliyab" ang emosyon ng GMA homegrown talent sa bawat role na kanyang ginagampanan mapa-bida o kontrabida man.
Isa riyan ang karakter niyang Pirena, na tagapangalaga ng Brilyante ng Apoy, sa requel ng popular na telefantasyang 'Encantadia' noong 2016 hanggang 2017.
Kasalukuyan namang napapanood si Glaiza sa GMA afternoon drama na Nagbabagang Luha na sinasabing pinakamainit na kuwento tuwing hapon.
Hinangaan din ang fierceness ni Glaiza sa mga dating serye niyang Stairway To Heaven (2009), Temptation of Wife (2012-13), at Contessa (2018).
Ayon pa sa post, ang pagpapalabas ng ilang serye ni Glaiza gaya ng Temptation of Wife, Contessa, Kaputol ng Isang Awit, Encantadia sa at iba't ibang panig ng mundo, partikular na sa Asya at Africa. ay isa pang patunay na karapat-dapat siyang tawagin sa moniker na "Asia's Fire of Drama."
Bukod pa rito, mayroon ding gagawin si Glaiza na dalawang international films na isu-shoot sa Canada at Korea.
Tingnan ang iba pang iconic characters ni Glaiza sa telebisyon dito: