
Sa pagpapatuloy ng Encantadia Chronicles sa Sang'gre, muling mapapanood si Glaiza de Castro bilang Pirena, ang naging tagapangalaga ng Brilyante ng Apoy noong Encantadia 2016.
Sa podcast interview sa celebrity couple na sina Mikael Daez at Megan Young, binalikan ni Glaiza kung paano nagmarka sa buhay niya si Pirena.
Photo by: Screenshot from Megan & Mikael Podcast
"Ano rin 'yun close to my heart din 'yun kasi isa 'yun sa mga roles na talagang pinaghandaan ko. Nagmarka rin sa buhay ko... the same siguro ng mga tao na tumatawag sa akin outside work na Boss G, minsan may tumatawag pa rin talaga na Pirena," kuwento ni Glaiza sa Megan & Mikael Podcast.
Pagpapatuloy niya, "Every time I see people dress up as Pirena parang, 'Wow! Ang saya naman naging parte ako ng buhay nila.' Especially mga little kids and part na rin ng LGBTQIA+ community na minsan may mga drag queens na nagde-dress up as Pirena."
Ikinuwento rin ni Glaiza ang naramdaman nang muling mahawakan ang ipinagawang replika ng espada ni Pirena nang bumisita sa kanilang bahay sa Quezon City.
"Bumisita ako sa bahay namin sa QC... nagpagawa kasi ako ng sword ni Pirena, pinost ko 'yun sa Instagram story ko, tapos tinanggal na namin s'ya roon sa wall tapos hinawakan ko ulit s'ya, mabigat s'ya kasi replika na s'ya ng sword ko na ginagamit ko sa mismong show.
"Tapos may isang box din doon na may tatlong notebooks ng Pirena--Pirenang naka-costume, Pirenang naka-gown, di ko pa s'ya pino-post. Pero parang, 'Hala, nagpapahiwatig na talaga s'ya na ito na s'ya, kailangan ko ng bumalik ulit, kailangan ko ng mag-train ulit, and then ito na may mga bago ng characters na paparating. And exciting kasi ako pa rin si Pirena,” ani Glaiza.
"Kumbaga lumawak 'yung storyline ng Encantadia, naging Encantadia Chronicles na s'ya, Sang'gre. So, s'yempre may mga Kingdoms na i-introduce, may mga side stories na.
"Tapos 'yung sa ending kasi ng Encantadia [2016] may mga bata na, so, curious din ako kung paano tatakbo 'yung story ng mga bagong tagapangalaga ng mga brilyante kasi may lalaki ng tagapangalaga, 'di ba? Tapos nandoon din si Angel [Guardian], tapos si Faith [da Silva], si Bianca [Umali]."
Ayon pa kay Glaiza, ramdam niya ang "tension at pressure" sa bagong henerasyon ng mga Sang'gre na sina Bianca, Faith, Kelvin, at Angel nang una niyang nakita ang mga ito sa story conference ng Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Panoorin ang buong interview ni Glaiza de Castro sa Megan & Mikael Podcast:
Makakasama rin sa Encantadia Chronicles: Sang'gre sina Rhian Ramos, Ricky Davao, Sherilyn Reyes, Jamie Wilson, Bianca Manalo, Luis Hontiveros, Vince Maristela, Shuvee Etrata, Pamela Prinster, at ang Gueco twins na sina Vito at Kiel.
TINGNAN ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES PHOTOS MULA SA STORY CONFERENCE NG ENCANTADIA CHRONICLES: SANGGRE SA GALLERY NA ITO: