
Marami ang na-excite at nagka-"goosebumps" sa inilabas na teaser ng Encantadia Chronicles: Sang'gre kung saan ipinakita na ang bagong henerasyon ng mga Sang'gre na sina Bianca Umali, Faith Da Silva, Kelvin Miranda, at Angel Guardian.
Sa continuation ng iconic telefantasya ng GMA, makikilala si Bianca Umali bilang Terra, ang bagong tagapangalaga ng Brilyante ng Lupa. Si Terra ang nawawalang anak ni Sang'gre Danaya na lumaki at namuhay sa mundo ng mga tao.
Gaganap si Faith Da Silva bilang Flamarra, anak ni Sang'gre Pirena at ang magmamana ng Brilyante ng Apoy.
Si Kelvin Miranda ang magiging tagapangalaga ng Brilyante ng Tubig. Makikilala siya bilang Adamus, anak ni Alena at ang nag-iisang lalaki sa hanay ng mga bagong Sang'gre.
Habang, mapapanood naman si Angel Guardian bilang Deia, isa siyang mine-a-ves at ang bagong tagapangalaga ng Brilyante ng Hangin.
Sa loob ng 22 hours, nakakuha ng mahigit 830,000 views online ang teaser ng Sang'gre at agad na umani ng libo-libong reaksyon mula sa netizens. Ilan dito ay "Can't Wait!" "Ang ganda ng intro nila," "Bagay sa kanilang lahat."
Makakasama rin nina Bianca, Faith, Kelvin, at Angel sa Sang'gre sina Glaiza de Castro, Rhian Ramos, Ricky Davao, Sherilyn Reyes, Jamie Wilson, Bianca Manalo, Luis Hontiveros, Vince Maristela, Shuvee Etrata, Pamela Prinster, at ang Gueco twins na sina Vito at Kiel.
TINGNAN ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES PHOTOS MULA SA STORY CONFERENCE NG ENCANTADIA CHRONICLES: SANGGRE SA GALLERY NA ITO: