What's Hot

Glaiza De Castro, gagawa ng pelikula sa Canada sa 2021

By Dianara Alegre
Published October 7, 2020 11:36 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Glaiza de Castro


Kinuha ng Canadian Film Society si Kapuso actress Glaiza de Castro para gumawa ng pelikula.

Masayang ibinahagi ni Kapuso actress Glaiza de Castro ang ilang detalye tungkol sa isa sa mga inaabangan niyang acting projects na nakalatag para sa susunod na taon.

Kinuha kasi ang aktres ng Canadian Film Society para gumawa ng pelikula at kukunan ito sa Canada at ididirihe ni Filbert Wong.

glairedux (IG)

“Joint project 'to ng mga Canadian at mga Filipino sa Canada at ito ay idi-direct ni Filbert Wong.

“Ang story nito medyo related sa illegal business. Medyo may pagka-'Breaking Bad,'” aniya.

Dagdag pa ni Glaiza, napag-usapan na raw nila ito ng boyfriend niyang si David Rainey. Gaya niya, excited si David para sa naturang project.

“Nung teenager siya, 'yun 'yung first big trip niya ever. Sa Canada siya pumunta. For ilang months, nandun siya.

“So nung sinabi ko na I might do a project there, sabi niya, 'Baka I might visit you,' pero hindi pa sigurado. Sana talaga matuloy,” aniya.

glairedux (IG)

Samantala, kasalukuyang umeere sa GMA Telebabad ang 2018 series niyang Temptation of Wife na pinagbibidahan din nina Marian Rivera, Dennis Trillo, at Rafael Rosell.

Kuwento niya, sobra umano siyang kinabahan sa pagganap niya bilang si Heidi sa serye noon.

“Sobrang kaba ako nun kasi 'yung role na ginampanan ko, si Heidi, napaka-intense niyang tao. Naaalala ko nung time na 'yon sobrang takot na takot ako tapos sina Marian, Dennis, Rafael parang kino-comfort lang ako,” lahad niya.

Dagdag pa ni Glaiza, sa Temptation of Wife nabuo ang pagkakaibigan nila ni Marian.

“May isang standby area lang kami kaya talagang bonding talaga. Nung time na 'yon, si Marian mahilig siya magdala ng snacks sa set na mga matatamis, e sobrang sweet tooth ko,” sabi pa niya.