GMA Logo Glaiza De Castro
What's Hot

Glaiza De Castro, nangangamba para sa local entertainment industry pagkatapos ng ECQ

By Dianara Alegre
Published May 5, 2020 5:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos 'unbothered' by impeachment complaint
NCAA announces S101 volleyball tourney groupings, updates
Marian Rivera's Italian designer bag completes her pink outfit

Article Inside Page


Showbiz News

Glaiza De Castro


Kapuso actress Glaiza De Castro, naglabas ng saloobin tungkol sa kalagayan ng local entertainment industry sa gitna ng ECQ.

Malaki ang ipinagbago ng local entertainment industry mula nang magsimula ang enhanced community quarantine noong March 17.

Natigil ang production ng shows, nakansela ang mga event, at pansamantalang nawalan din ng trabaho ang ilan sa mga artista, crew, at staff ng iba't ibang media companies.

Dahil sa nalalapit na pagtatapos ng ECQ sa May 16, naglabas ng saloobin si Kapuso actress Glaiza De Castro tungkol sa mga magiging kaganapan sa shootings at tapings ng mga artista at crew sa gitna ng banta ng COVID-19.

Kasabay nito ang pagbabahagi niya ng mga picture na kinunan sa huling taping niya sa Banaue, Ifugao bago pa man ipatupad ang quarantine.

“Habang nag ba-browse sa camera, nakita ko itong huling taping namin sa Banaue bago nangyari ang enhanced community quarantine.

“Ano kaya [ang] mangyayari sa mga shootings at tapings kapag naipatupad na ang new normal?

“Maitutuloy pa kaya itong soap? Maipapalabas pa kaya ang mga pelikula sa sinehan?”

Gayunman, kahit maraming mga tanong at pag-aalinlangan, naniniwala pa rin si Glaiza na babalik din sa normal ang lahat.

“Though marami ring kagaya ko ang nagtatanong at nag-aantay, kumakapit pa rin ako sa paniniwalang magiging maayos ang lahat.

“Dasal lang, mga kaibigan sa industriya, magkikita-kita tayong muli,” sabi pa ni Glaiza.

Habang nag ba browse sa camera, nakita ko itong huling taping namin sa Banaue bago nangyari ang enhanced community quarantine. Ano kaya mangyayari sa mga shootings at tapings kapag naipatupad na ang new normal? Maitutuloy pa kaya itong soap? Maipapalabas pa kaya ang mga pelikula sa sinehan? Though marami ring kagaya ko ang nagtatanong at nag aantay, kumakapit parin ako sa paniniwalang magiging maayos ang lahat. Dasal lang mga kaibigan sa industriya, magkikita kita tayong muli.

Isang post na ibinahagi ni Glaiza De Castro (@glaizaredux) noong

Nakisimpatya rin sa hinaing ng aktres ang netizens.

Si Glaiza, kanyang pamilya, at boyfriend na si David Rainey ay sa Baler, Aurora nagpapalipas ng enhanced community quarantine.

EXCLUSIVE: Glaiza de Castro, ikinuwento kung paano na-stranded sa Baler dahil sa ECQ

Glaiza de Castro and BF David Rainey sing an original duet for frontliners

TINGNAN: Ang buhay probinsya ng mga artista sa gitna ng COVID-19 outbreak