GMA Logo glaiza de castro and david rainey
Photo from KMJS/Glaiza De Castro
What's Hot

Glaiza De Castro, ikinasal na sa Irish fiancé niyang si David Rainey

By Jansen Ramos
Published February 13, 2022 10:07 PM PHT
Updated February 13, 2022 11:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

glaiza de castro and david rainey


Ikinasal si Glaiza De Castro sa Irish fiancé niyang si David Rainey sa Northern Ireland, United Kingdom noong October 12, 2021, ayon sa exclusive feature ng 'Kapuso Mo, Jessica Soho.'

Binunyag ng Kapuso actress na si Glaiza De Castro sa isang exclusive feature ng Kapuso Mo, Jessica Soho ngayong Linggo, February 13, na ikinasal na siya sa kanyang Irish fiancé na si David Rainey noong huling bakasyon niya sa Europa noong nakaraang taon.

October 12, 2021 kinasal sina Glaiza at David sa isang intimate Celtic wedding na ginanap sa isang cliff sa Northern Ireland sa United Kingdom. Dinaluhan ito ng immediate family ni David.

Parte ng Celtic blessing ceremony ng couple ang handfasting, isang ancient Celtic ritual kung saan tinatali ang mga kamay ng bride at groom na sumisimbolo sa kanilang union bilang mag-asawa.

Matatandang September 2021 nang lumipad patungong Europe si Glaiza para makasama ang nobyo matapos ang ilang buwang hindi pagkikita. Sa Spain nila ginawa ang kanilang prenup shoot at narito ang ilan nilang larawan.

Naging opisyal na magkasintahan sina Glaiza at David noong September 2018.

Nakilala ng False Positive actress ang Irish national sa isang birthday trip sa Siargao noong January 2018.

February 2019 nang makilala ni Glaiza ang pamilya ni David noong pumunta siya sa England para sa 30th birthday ng boyfriend at ng kambal nito.

Nag-propose siDavid kay Glaiza noong December 2020 nang magbakasyon ang Kapuso star sa hometown ng nobyo sa Donegal, Ireland.

Samantala, narito ang iba pang celebrity engagements na naganap abroad: