
Tagumpay si Glaiza de Castro sa pagpapanggap bilang isang celebrity tattoo artist sa The Boobay and Tekla Show (TBATS), pero ano ang mangyayari kung makatanggap siya ng reklamo?
Si Glaiza ang kakuntsaba nina Boobay at Tekla sa 'Pranking in Tandem' segment ng TBATS nitong Linggo, August 30.
Nagpanggap ang aktres na matagal nang tattoo artist kaya kampanteng namili pa ng design ang kanyang biktimang si Justin. After their session, ibang-iba ang kinalabasan ng kanyang tattoo.
Mas nakakagulat pa nang may dumating at inireklamo ang tattoo na gawa ni Glaiza. Paano na?
Panoorin ang 'Pranking in Tandem' video sa itaas.
Kung convincing si Glaiza, convincing din ang impersonator ni Jessica Soho na napanood sa TBATS!
Isang kuwento tungkol sa Fishball Bae ang sinundan sa Kapuso Mo, Jessica Soho parody nina Boobay at Tekla at dito ipinakilala si Kaye M. Jeyes, ang impersonator ng batikang Kapuso host at news anchor.
Tunog at pananalita palang, convincing nang si Jessica Soho mismo ang nagbabalita tungkol sa fishball vendor na si Vince Araya.
Bakit nag-viral ang fishball bae at ano ang misteryong bumabalot sa kanyang kuwento?
Napanood din sa parehong episode ang 'Mr. & Ms. Katawang TBATS World!' Ang candidates galing pang Italy, America, Nigeria, India, Persia, at Turkey, habang ang naging judges naman ay sina Juancho Trivino at Miss Eco International 2018 Thia Thomalla.
Sasakit din ang tiyan niyo sa mga tanong at sagot sa funny Q&A portion ng 'Mr. & Ms. Katawang TBATS World.' Sino kaya sa ating six contestants ang nanalo?
Non-stop talaga ang laugh trip na hatid ng The Boobay and Tekla Show! Tutok na tuwing Linggo, matapos ang Kapuso Mo, Jessica Soho!