
Isang charity event para sa mga katutubo ang inorganisa ni False Positive star Glaiza de Castro para sa kanyang kaarawan nito lamang January 21.
Imbis na magarbong birthday celebration, pinili ng aktres na mamahagi ng food packs para sa mga katutubo na hindi gaanong naaabutan ng tulong. Kasama dito ni Glaiza ang kanyang fiancé na si David Rainey na proud daw sa kanyang ginawang charity.
Sa "Chika Minute" report ni Nelson Canlas, ikinuwento ni Glaiza ang saya na naramdaman nila ni David sa kanyang makabuluhang selebrasyon ng kaarawan.
Aniya, "Na-inspire rin po siya tapos lagi niyang sinasabi sa akin na proud siya sa akin, kahit yung mga parents and sisters niya sa UK parang natuwa rin sa ginawa namin."
Ayon pa kay Glaiza, gusto rin daw ni David na magbigay rin ng tulong sa ilang mga nangangailangan sa kanyang kaarawan.
"And he also wanted to do the same on his birthday which will be next month," ani Glaiza.
Sa ngayon ay naghahanda na rin si Glaiza para sa kanyang upcoming series na False Positive kasama si Xian Lim. Excited daw ang aktres para sa serye na ito kung saan maipapakita naman niya ang kanyang funny side.
"Kumbaga makikita nila 'yung kulit side ko dito kasi na-realize ko rin na hindi ako masyadong nagpapakita ng kakulitan," masayang sinabi ni Glaiza.
Panoorin ang buong "Chika Minute" report sa video na ito:
Samantala, silipin naman ang ilang prenup photos nina Glaiza at David sa Spain sa gallery na ito: