
Bagong show kaagad ang bumungad kay Glaiza De Castro sa pag-uwi niya sa Pilipinas mula sa kanyang bakasyon sa Europa kasama ang kanyang Irish fiancé na si David Rainey.
Ayon sa report ni Lhar Santiago sa “Chika Minute” segment ng 24 Oras noong November 18, masaya ang aktres na si Xian Lim ang makakasama niya sa bagong GMA series na pinamagatang False Positive, na mula sa direksyon ni Irene Villamor.
Ika ni Glaiza, "Excited ako to work with Xian Lim and very honored ako to be part of the show na he's doing because he is a new part of the GMA family."
Ipinagmamalaki naman ng Asia's Acting Gem na ibang Glaiza naman ang mapapanood sa False Positive. Kung sa nagdaan niyang soap na Nagbabagang Luha ay bumuhos ang luha ng mga manonood, sinisigurado raw niyang feel-good lang ang tema ng bago niyang TV project na pagbibidahan.
"Hindi na kayo iiyak, hindi na kayo maiinis. Sa ngayon, light lang tayo. Positive lang," saad pa 33-year-old actress.
Sa Instagram account ni Xian, ipinasilip niya ang ilang eksena nila ni Glaiza sa False Positive.
Makikita sa kanyang post noong November 28 na intimate sila isa't isa kung saan mapapansin na tila naka-wedding gown ang kanyang leading lady.
Gagampanan ni Xian ang papel bilang Edward Dela Guardia, samantalang si Glaiza naman ay si Yannie Dela Guardia.
Bago pa man mapanood sa False Positive, balikan ang mga iconic roles ni Glaiza sa telebisyon dito: