
Extra kilig ang nararamdaman ng Kapuso actress na si Glaiza de Castro dahil kasama niya ngayong Pasko ang Irish boyfriend niyang si David Rainey.
Nagtungo sa Ireland kamakailan ang Encantadia star para makasama ang boyfriend, at ito ang first-time niyang mag-Pasko rito.
Sa panayam ni Lhar Santiago sa 24 Oras, aminado si Glaiza na naninibago siya sa klima sa Ireland dahil sa ubod ng lamig.
“Medyo nakakapanibago lang kasi galing ka sa tropical country, e.
"'Tapos once you get out of the house nandoon na 'yung lamig, nandoon na 'yung hangin na medyo talagang nagpe-penetrate doon sa kalamnan mo [laughs]”
Samantala, ibinahagi ni David Rainey ang Christmas plans nilang magkasintahan.
Saad niya, “Lots of foods, lots of games. My brother-in-law to my older sister's husband loves games.”
Iminungkahi rin ni Glaiza na sana may pagkakataon din sila na mag-karaoke sa Pasko.
“Sinasabi ko sa kanya baka puwede rin kami mag-karaoke dito, kasi Filipinos love to sing and do karaoke.
“Sinasabi ko sa kanila 'yung ginataan na pinapakulaan siya sa coconut milk na may saging na saba, kamote, bilo-bilo. Kasi, nagdala siya ng glutenous rice dito, e. Kaya siya nakagawa ng palitaw.”
Nangako naman si David sa pamilya ni Glaiza na aalagaan ito habang nasa Ireland, tulad ng ginawa nilang pagkupkop sa kanya noong nagka-enhanced community quarantine sa Pilipinas.
Pahayag ni David, “We will take care of her, keep her safe, keep her warm makes sure she has lots of nice foods. Like,when I was in the Philippines February to June, and Glaiza's family took care of me. We will do the same.”
Matatandaan na naging official couple sina Glaiza de Castro at David Rainey noong September 2018.
Dalawang buwan matapos nito ay um-attend sila ng event ng Kapuso Network, kung saan pormal na nilang isinapubliko ang kanilang relasyon.
Last year, nakilala na rin ng magaling na actress-singer ang pamilya ni David.
Sa one-on-one interview ni Glaiza with GMANetwork.com noong Abril, naikuwento nito ang mga bagay na nadiskubre niya sa boyfriend nang makasama nila na ma-stranded si David sa Baler, Aurora.
“Kunwari ako, meron akong problema, parang meron siyang solusyon kaagad. Very optimistic siyang tao.
"Actually, mas dapat nga siyang mabahala kasi ang layo-layo niya 'di ba sa pamilya niya, sa parents niya pero siya 'yung talagang mas nagko-comfort. Napakamaasikasuhin niyang tao.
"It makes me proud kapag naririnig ko from my parents or doon sa neighbor namin na magaling siyang makisama.”
Balikan ang naging quarantined life nina Glaiza at David sa probinsya ng Aurora sa gallery below!