GMA Logo Glaiza De Castro reaction to Pirena reclaiming Brilyante ng Apoy
What's on TV

Glaiza De Castro, tuwang-tuwa sa reaksyon ng 'Sang'gre' viewers sa pagbawi ni Pirena sa Brilyante ng Apoy

By Aimee Anoc
Published August 28, 2025 5:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Holiday exodus at PITX starts
Sarah Discaya, 8 others detained at jail in Mactan, Lapu-Lapu City
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News

Glaiza De Castro reaction to Pirena reclaiming Brilyante ng Apoy


"Kasama nila akong nagdiriwang sa pagbawi ng brilyante ni Pirena." - Glaiza De Castro

Natutuwa si Glaiza De Castro sa pagbubunyi ng Encantadia Chronicles: Sang'gre viewers nang mabawi na ni Sang'gre Pirena ang Brilyante ng Apoy mula sa ovlar (heneral) ng Mine-a-ve na si Olgana (Bianca Manalo).

Sa interview kay Athena Imperial ng 24 Oras, ipinarating ni Glaiza ang sayang nararamdaman na mabasa ang excitement at pagtutok ng netizens sa pagbawi ni Pirena sa Brilyante ng Apoy.

"Kasama nila akong nagdiriwang sa pagbawi ng brilyante ni Pirena," sabi ni Glaiza. "Nakakataba ng puso na makita silang pinapanood nila mismo sa TV or sa livestream and then nakikita ko 'yung reaksyon nila, para silang nanonood ng Miss Universe."

Ngayong nabawi na ni Pirena ang Brilyante ng Apoy, ani Glaiza, dapat na abangan ng manonood ang magiging journey nina Pirena at Terra (Bianca Umali) pabalik ng Encantadia.

"Abangan n'yo rin kung paano gagabayan ni ashti (tita) ang kanyang hadiya (pamangkin), at ang mga bagong tagapangalaga," dagdag niya.

Patuloy na subaybayan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.

TINGNAN ANG BEHIND THE SCENES NG SANG'GRE CAST MULA SA MUNDO NG MGA TAO RITO: