
Alam n'yo ba na may aktor rin na kapatid si Glaiza?
By AL KENDRICK NOGUERA
Sa mga hindi nakakaalam, ang nakababatang kapatid ni Kapuso star Glaiza de Castro na si Alchris Galura ay isa ring aktor. Sa katunayan nga ay nakasungkit na siya ng ilang acting awards dahil sa pag-arte niya sa ilang independent films.
Dahil ngayon ipinagdiriwang ni Alchris ang kanyang kaarawan, mayroong mensahe sa kanya ang kanyang Ate Glaiza.
"Maligayang kaarawan mahal kong ninja. Hindi ko masabi sa harapan mo (kahit nasa harapan kita ngayon) na salamat sa pagiging kuya mo sa 'kin minsan, sa pagiging hyper mong daig pa ang anime at payo para hindi ako maligwak ng landas. Habang kumakanta ka jan, sana mag-like or comment ka naman po sa post ko. Pwede yun sa Instagram, try mo," bahagi ni Glaiza sa kanyang Instagram.
MORE ON GLAIZA DE CASTRO:
WATCH: Dance showdown nina Glaiza De Castro at Diva Montelaba
Glaiza de Castro and her mad pool trick shot