
Magpapatalbugan sa sayawan ang Kapuso stars na sina Glaiza De Castro, Yasser Marta, Arra San Agustin, at Kokoy De Santos sa unang araw ng “Dancing Duo Double Double EB Fam Edition” ng Eat Bulaga ngayong Sabado, December 2.
Simula sa Sabado, may dalawang pares ng EB hosts o EB Fam Duos ang maghaharap sa pagalingan sa sayawan sa naturang bagong segment ng programa weekly.
Dito ay sina Glaiza at Yasser versus Kokoy at Arra ang unang dalawang duo na maglalaban sa dance floor ng EB stage.
Bukod sa nabanggit na dalawang duo, ang iba pang mga pares ay sina: Chariz Solomon at Mavy Legaspi, Betong Sumaya at Dasuri Choi, Winwyn Marquez at Kimpoy Feliciano, Cassy Legaspi at Michael Sager, Buboy Villar at Alyona, habang isang celebrity guest naman ang makakapares ni Alexa Miro.
Sa walong duo na ito, isang duo lang ang tatanghalin na Ultimate Dancing Duo sa Finals.
Pero hindi lang ito kompetisyon para sa walong EB fam duos, dahil kinakailangan din nilang manalo upang matulungan ang kanilang napiling charity.
RELATED GALLERY: Kulitan with the hosts of 'Eat Bulaga'
Ang Eat Bulaga staff ay tutulong din sa mga konsepto at gagawing performances ng EB fam.
Sa isang video na in-upload ng TAPE Inc. sa kanilang Facebook page, mapapanood ang namumuong tensyon sa pagitan ng team GlaiSser nina Glaiza at Yasser habang binubuo ang konsepto ng kanilang performance.
Ang Team With Love naman nina Arra at Kokoy, hindi pa raw nakakaisip ng kanilang tema ng sasayawin?
'Wag palagpasin ang ultimate dance battle nina Glaiza at Yasser versus Arra and Kokoy sa Eat Bulaga ngayong Sabado, 11:30 a.m. sa GMA.