GMA Logo gloc9
Photo by: Screenshot from i-Listen
What's Hot

Gloc-9, naranasang pagbawalan na kantahin ang 'Upuan' sa ilang shows

By Aimee Anoc
Published August 7, 2026 12:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Max Ayeza On Playlist
This QC store is collecting used cooking oil and coffee grounds
Senior citizen found dead in septic tank in Minglanilla, Cebu

Article Inside Page


Showbiz News

gloc9


"Iniisip ko na lang kasi gusto kong umuwi sa anak ko. Baka kasi 'pag kinanta ko, hindi ako makauwi sa anak ko." - Gloc-9

Ni-reveal ng rap icon na si Gloc-9 na minsan na siyang pinigilang kantahin sa ilang shows ang hit song niyang "Upuan," na napapanahon pa rin ang mensahe lalo na sa mga nangyayari ngayon sa pulitika.

Sa pakikipagkuwentuhan kay Kara David sa "i-Listen," binalikan ni Gloc-9 ang nagbigay ng inspirasyon sa kanya para maisulat ang isa sa sumikat niyang awitin noong 2009, ang "Upuan."

Ayon kay Gloc-9, nakatulong sa kanya para makasulat ng mga awitin ang nasaksihang kalagayan ng mga mahihirap na kababayan habang nagdu-duty siya noon bilang nursing student sa pampublikong ospital.

"'Pag ikaw ay nursing student at nasa public hospital ka nag-duty puwede kang makapag-interact sa patient, hindi katulad sa private, bawal. So 'yon din 'yung nakatulong sa akin," sabi niya.

"You witnessed a mother na mawalan ng anak sa harapan mo. Wala kang magagawa. Tina-try niya i-convince 'yung sarili niya na hindi totoo. Sa harapan mo, 'Gising ka na anak. Gising ka na. Uwi na tayo.'

"I think para makita mo 'yon, hindi ka na kukulangin pa sa kahit na anong motivation to write songs and makapag-relay ng message sa ibang tao. Doon ko nasulat ang 'Upuan.'

"Tayo ay may ospital na nagpapaalis ng isang babaeng lumalabas na 'yung baby sa kanya, tapos sasabihin mo sa tao na, 'Hindi kami public hospital, hindi ka puwede dito.' May mga ganu'n. So you realize na hindi fair. Marami talagang nahihirapan," dagdag niya.

Sa pagiging relevant naman ng "Upuan" hanggang ngayon, reaksyon ni Gloc-9, "Hindi ko alam if it's a good thing."

Inalala rin ni Gloc-9 ang sinabi sa kanya noon ng idolong si Francis Magalona.

"Sabi ni Sir Kik sa akin, 'Yung mga kanta natin, hindi na atin 'yan. 'Pag binitawan natin, mayroon na silang sariling buhay nila."

Naibahagi rin ni Gloc-9 ang pagkakataong pinigilan siyang kantahin ang "Upuan" sa ilang shows.

"Sometimes, I ask myself if I'm still worthy of my song. Minsan pinipigilan akong kantahin 'yan sa show. Bawal daw. 'Huwag mong kakantahin 'yun ah.'

"May mga times na I feel... ngayon ko lang yata sasabihin 'to, sometimes, I feel nati-take for granted ko 'yung mga creations ko. May mga times na siguro kung kinanta ko siya, iba 'yung dating. Minsan iniisip ko, kasalanan ko ba 'yun na hindi ko kinanta dahil sinabi sa akin na huwag kong kantahin?

"Iniisip ko na lang kasi gusto kong umuwi sa anak ko. Baka kasi 'pag kinanta ko, hindi ako makauwi sa anak ko," sabi niya.

Dahil sa sinabing ito ni Gloc-9, ipinarating din ni Kara ang dasal niya na maging sandata ang kantang "Upuan" para mamulat ang marami.

"Whether kinanta mo o hindi, kinakanta namin lahat. At alam naman natin 'yung mga bagay na ganyan kahit na ilang beses nilang itago hindi naman siya talaga matatago," sabi ni Kara.

"Ako ang prayer ko sana maging sandata 'yung 'Upuan' para hindi lang mamulat 'yung mga nagbubulagbulagan pero tayo mismo, makita natin na hindi ito tama," dagdag niya.

Ipinarating din ni Gloc-9 ang pasasalamat sa lahat ng sumuporta sa halos tatlong dekada niya sa industriya.

"Pagdating sa mga nasulat na songs tungkol sa ganyan, marami na siguro. This is my 29th year, 30 years na ako next year. I'm very thankful sa lahat ng mga sumabay sa akin sa journey ko. Pero siguro, 'yung mga songs na 'yan, may mga sariling buhay na sila."

Panoorin ang buong interview ni Gloc-9 kay Kara David sa i-Listen dito:

Panoorin ang buong interview ni Gloc-9 kay Kara David sa i-Listen dito: