GMA Logo gloria romero christopher gutierrez
Source: FastTalkGMA/FB
What's on TV

Gloria Romero's daughter, grandson share stories on late actress

By Kristian Eric Javier
Published January 28, 2025 10:21 AM PHT

Around GMA

Around GMA

2025 SEA Games: Jericho Francisco Jr. gets another skateboarding gold for PH
Italian resto opens in Molito; promises 'refined but unpretentious' food
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

gloria romero christopher gutierrez


Lubos ang pasasalamat ng anak at apo ni Gloria Romero sa pagmamahal at pakikiramay ng mga tao sa kanila.

Lubos ang pasasalamat ng anak at apo ng namayapang aktres na si Gloria Romero na sina Maritess at Chris Gutierrez para sa suporta at pakikiramay na natanggap nila. Nagbahagi rin sila ng kuwento tungkol sa kinikilalang Queen of Philippine Cinema.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, January 27, ipinakita ang maiksing panayam kina Maritess at Chris, kung saan nagkuwento pa ang huli ng kaniyang interakyson sa mga huling sandali ng kaniyang lola.

Kuwento ni Chris, “One of the last conversations me and lola had, she said, 'Chris, matanda na' ko, wala na akong mabibigay sa' yo, nabigay ko na sa' yo lahat.' And then I was telling her, 'Lola, ang dami mo nang nabigay sa 'min. It's okay, you already gave us so much. Thank you for everything.'”

Ayon sa binata, ang interaksyon nilang ito ay patunay na hanggang sa huli ay gusto pa ring magbigay ni Gloria sa mga tao. Ito raw mismo ang dahilan kung bakit mahal na mahal siya ng mga tao.

TINGNAN ANG CELEBRITIES NA NAGBIGAY PUGAY KAY GLORIA ROMERO SA GALLERY NA ITO:

Samantala, itinuturung naman ni Maritess na plinano ng Diyos ang maging anak siya ng batikang aktres at alagaan siya nito.

Aniya, “I think it's really planned, it was planned, it was our destiny and also for Chris. It's all God's plan.”

Nagpasalamat din siya na sa loob ng 70 years sa industriya, marami ang sumubaybay at humanga sa kaniyang ina. Mula sa mga matatanda hanggang sa mga bata, kilalang-kilala si Gloria.

“Yung mga bata nga because of GMA, nabigyan siya ng [Daig Kayo ng Lola Ko], so ang lawak ng age gaps ng fans ni mama--from matanda to children. So I think, my mom was able to deliver and gave her self until the last, up to her 70th year. Imagine, hanggang bata, naabutan pa nila si mama,” sabi ni Maritess.

Pagatatapos niya, “Me and Chris, we thank everybody for that. Salamat.”

Sabado, January 25, nang kumpirmahin ni Maritess ang pagpanaw ng kaniyang inang si Gloria. Sinabi rin niya sa kaniyang post na ang mga labi ng batikang aktres ay nakaburol sa Hall A ng Arlington Memorial Chapel sa Quezon City. Ang public viewing ay sa Lunes at Martes, 9:00 a.m. hanggang 1:00 p.m.