GMA Logo Glydel Mercado, Aneeka, Aneeza
What's on TV

Glydel Mercado, may mensahe sa mga anak tungkol sa pag-ibig

By Kristian Eric Javier
Published September 17, 2024 11:40 AM PHT

Around GMA

Around GMA

World markets face fresh jolt as Trump vows tariffs on Europe over Greenland
No classes in Cebu City, province after Sinulog festivity
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Glydel Mercado, Aneeka, Aneeza


Alamin kung ano ang hiling ni Glydel Mercado sa kaniyang mga anak na sina Aneeza at Aneeka.

Bilang isang ina sa dalawang anak na babae, importante sa Shining Inheritance actress na si Glydel Mercado na pangalagaan at protektahan nila ng asawang si Tonton Gutierrez ang mga anak na sina Aneeza at Aneeka pagdating sa kanilang mga buhay pag-ibig.

Sa pagbisita ni Glydel sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, September 16, inamin niyang isa sa mga takot niya bilang isang ina ay kapag nag-asawa na ang kanilang mga anak.

Paliwanag ng aktres, “Kasi siyempre parang kahit 20 years old na si Aneeza ngayon, feeling ko baby pa rin siya, parang baby ko pa rin. Tapos 'yung 12 years old ko, kahit na 5'6 na 'yung height, kahit ang laki-laki na niya, parang baby ko pa rin.”

Ngunit paglilinaw ng primyadong aktres ay wala siyang ibang bilin sa kaniyang mga anak dahil hindi naman nila napag-uusapan ang mga boys. Kuwento pa ni Glydel ay hindi naman siya nakakarinig kay Aneeza, kahit sa mga kaibigan nito, tungkol sa opposite sex.

“Wala akong nababalitaan kahit sa mga friends niya na laging nagsi-sleep over sa bahay na nag-uusap about men, kahit nakikinig ako sa may pintuan, wala akong naririnig, puro sila naglalaro lang sa phone,” sabi ni Glydel.

Kahit naman magsabi na sa kaniya ang kaniyang panganay tungkol sa boyfriend ay hindi nila ito pakialaman. Kahit pa may anxiety siya tuwing umaalis ng bahay si Aneeza ay pinayagan niya itong mag-aral abroad para sa kolehiyo.

“Pinapayagan namin kasi para i-spread niya 'yung wings niya. Atsaka ngayon, very proud ako kasi ang dami niyang alam, intelihente siyang kausapin, kaya nakakatuwa,” paliwanag ni Glydel.

Ngunit kahit ganu'n ay may isang hiling lang si Glydel sa kaniyang mga anak oras na magkaroon sila ng boyfriend o mapapangasawa.

Nagtanong hypothetically kasi ang host na si Boy Abunda kung ano ang magiging reaksyon ng aktres kung lumapit sa kaniya si Aneeza at sinabing gusto na nito magpakasal.

Sagot ni Glydel, “Siyempre kailangan makilala muna namin 'yung lalaki 'di ba? And ayoko maging judgmental pero siyempre gusto ko muna makilala 'yung character niya dahil precious itong mga anak ko.”

KILALANIN ANG DALAWANG ANAK NA BABAE NI GLYDEL AT TONTON SA GALLERY NA ITO: