
Simula sa July 1, mapapanood na ang Kapamilya noontime show na It's Showtime sa isa sa free TV channels ng GMA Network, ang GTV.
Inanunsiyo ito mismo ng ABS-CBN sa kanilang inilabas na statement na sinundan pa ng magkakasunod na social media post ng official pages ng GTV at ng nasabing programa.
Kasunod nito, ibinalita naman ng TV host na si Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda ang ipinadalang mensahe ni GMA Network Chairman and CEO Atty. Felipe L. Gozon tungkol sa nasabing big move ng It's Showtime sa GMA via GTV.
“We are happy to provide a home to It's Showtime,” ani Atty. Gozon.
Ayon pa kay Atty. Gozon, magkakaroon ng malaking contract signing event ang GMA at ang pamunuan ng It's Showtime sa mga susunod na araw.
“We will have a big contract signing soon,” saad niya.
Ang nasabing noontime show ay pinangungunahan nina Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro, Karylle, Jhong Hilario, Teddy Corpuz, Jugs Jugueta, Ryan Bang, Amy Perez, Ogie Alcasid, Kim Chiu, Jackie Gonzaga at Ion Perez.
Matatandaan na ang ilan sa hosts ng programa gaya nina Karylle, Ogie, at Anne ay napanood na rin sa GMA noon.
Abangan ang It's Showtime sa GTV!
Patuloy naman na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda pagkatapos ng The Seed of Love sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.
ALAMIN ANG IBA'T IBANG TRIVIA TUNGKOL SA IT'S SHOWTIME HOSTS SA GALLERY NA ITO:
NARITO NAMAN ANG NAGING REAKSYON NG NETIZENS SA PAGLIPAT NG IT'S SHOWTIME SA GTV: