GMA Logo GTV good tv
What's Hot

GMA News TV's new face draws excitement from viewers

By Jansen Ramos
Published February 22, 2021 7:22 PM PHT
Updated February 22, 2021 8:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 up over 27 areas as Wilma threatens to make landfall over Eastern Visayas
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

GTV good tv


Inilunsad ngayong araw, February 22, ang news and general entertainment channel ng GMA, ang Good TV o GTV.

Marami ang na-excite sa bagong bihis ng GMA News TV bilang news and general entertainment channel na Good TV o GTV.

Ngayong araw, February 22, inilunsad ang GTV na layong mapukaw hindi lang ang older audience, kundi pati na rin ang mga young at young-at-heart.

Ipapalabas pa rin sa GTV ang mga pinagkakatiwalaang news and public affairs programs pero bukod pa rito, handog din ng GTV ang iba't ibang TV genres tulad ng drama, magazine/lifestyle shows, youth-oriented shows, game shows, at sports.

Kung ikukumpara sa GMA News TV, feel-good entertainment ang hatid ng GTV na madarama sa station ID ng rebranded channel kung saan tampok ang mga programang ipapalabas dito.

Ang theme song ng GTV ay pinamagatang "Keeping It Good" na siyang tagline nito. Ang kantang ito ay inawit nina Kapuso Diva Aicelle Santos, The Clash Season 2 grand champion Jeremiah Tiangco, at Kapuso girl group na XOXO.

Tweet ng isang netizen, kumpletos rekados ang GTV dahil sa variety ng mga programa nito.

Higit na inaabangan sa GTV ang mga upcoming romantic series tulad ng Heartful Cafe, na pagbibidahan nina Julie Anne San Jose at David Licauco, at Love You Stranger, na pagbibidahan ng real-life couple na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos.

Basahin ang tweets ng netizens dito:

Excited na rin ang viewers, lalong-lalo na ang '90s kids, sa pagpapalabas ng ilang classic anime series gaya ng Pokemon at Dragon Ball Z sa GTV.

Samantala, narito ang kumpletong listahan ng mga programang ipinapalabas at ipapalabas sa GTV.

Available ang GTV via free-to-air, cable, at satellite, at sa GMA Affordabox at GMA Now, at iba pang digital receivers.

Ipapalabas din ang mga programa ng GTV abroad via GMA Pinoy TV, GMA Life TV, at GMA News TV International.