
Puno ng excitement si Kapuso actress Bianca Umali sa recording booth ng GMA Pictures animated film na Ella Arcangel: Awit ng Pangil at Kuko.
Noong Lunes (May 11), ipinasilip ng GMA Pictures ang behind-the-scenes ng pagbibigay-boses at buhay ni Bianca para kay Ella Arcangel.
Makikita at maririnig ang dedikasyon ni Bianca na maiparamdam sa manonood ang nakakakilabot ngunit makulay na mundo ni Ella, ang batang mambabarang na ipagtatanggol ang Barangay Masikap mula sa mga halimaw.
Mula sa mga pahina ng komiks ni Julius Villanueva, mapapanood na soon sa mga sinehan ang Ella Arcangel: Awit ng Pangil at Kuko.
Panoorin ang official teaser ng Ella Arcangel: Awit ng Pangil at Kuko, dito: