
Samahan si Asia's Multimedia Star Alden Richards na tuklasin ang krisis sa edukasyon sa Pilipinas sa pinakabagong GMA Public Affairs documentary special na Rebuilding Broken Rooms.
Ngayong Sabado, August 8, matutunghayan ang paglalakbay ni Alden sa iba't ibang panig ng bansa upang masaksihan at maunawaan ang mga pagsubok na kinahaharap ng mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan.
Sa pamamagitan ng dokumentaryo, nananawagan si Alden sa publiko, mga stakeholder, at mga policymaker na magtulungan sa pagpapatupad ng makabuluhan at inklusibong mga reporma para sa mas maayos na sistema ng edukasyon sa bansa.
"I hope with this documentary, maraming mamulat na mata. Maraming ma-inspire na ito, this is the current situation of the educational system here in the Philippines, and it's not doing really good," pahayag niya.
Dagdag pa niya, "Education should be a priority in this country. Education must not be neglected by the people in power."
Mapapanood ang Rebuilding Broken Rooms ngayong Sabado, August 8, 9:30 p.m. sa GMA.
RELATED GALLERY: Take a look back at Alden Richards's hosting career