GMA Logo Qin Wen Tian
Source: petershengfp (IG)
What's Hot

God of Lost Fantasy: Ang pag-alis ni Qin Wen Tian sa angkan ng Bai | Week 1

By Aimee Anoc
Published August 20, 2021 12:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Two people killed in Brown University shooting —mayor
Italian resto opens in Molito; promises 'refined but unpretentious' food
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

Qin Wen Tian


Isinagawa na ng Bai ang planong pagpatay kay Qin Wen Tian.

Sa unang linggo ng God of Lost Fantasy, ipinag-utos na ng kampo ng Jiuhua na hanapin ang nagmamay-ari ng Stone of Star Soul para tuluyan nang mawala ang Demon Sword. Tanging ang nagtataglay lamang ng Stone of Star Soul ang may kakayahang masira ang Demon Sword.

Limang daang taon na ang nakalilipas, isa si Emperor Cang sa nagbuwis ng buhay para wakasan ang kasamaang taglay ng Demon Sword. Pero bago siya pumanaw, ipinag-utos ni Emperor Cang na hanapin ang susunod na tagapagmana ng Stone of Star Soul, na siya lamang may kakayahang wasakin ang Demon Sword.

Para mapanatili ang kapayapaan ng Siyam na Langit, patuloy sa paghahanap ng mahuhusay na mandirigma ang kampo ng Jiuhua para sanayin at hasain ang kanilang kaisipan tungkol sa Star Soul.

Tuwing ikalimang taon, nagsasagawa ang Jiuhua ng pagtitipon kasama ang mga bansang Yo at Xueyun para pumili ng mga mahuhusay na tao.

Bawat angkan, isang tao lamang ang maaaring sumali sa pagtitipon at pipiliin sa mga angkang ito ang maaaring mapasama sa mga sasanayin tungkol sa Star Soul.

Isa si Qin Wen Tian (Peter Sheng) sa napili ng angkan ng Bai para sumali sa nasabing pagtitipon. Ginawa ito ng Bai para tuluyan nang mawala sa landas nila si Wen Tian. Bukod sa pagpili rito, ipinautos din ng Bai na patayin si Wen Tian para wala ng hadlang sa pagpasok nila sa emperyo.

Para mapanatili ang magandang pagsasama ng dalawang angkan, ipinagkasundo ng Qin si Wen Tian sa anak na babae ng Bai na si Bai Qiu Xue (Tang Jing Mei) para maging asawa nito.

Ngayong mas nakaaangat na ang Bai, wala ng silbi sa kanila si Wen Tian. Nais gamitin ng Bai si Qiu Xue sa planong pagpasok sa emperyo at para maisakatuparan ito ay kailangang mawala sa landas nila sa Wen Tian.

Kahit na may magandang pagsasama, pinili ni Qiu Xue na sundin ang angkan at pinaalis sa kanila si Wen Tian. Sa pag-alis ni Wen Tian sa Bai, hinabol siya ng mga tao ng Bai para patayin.

Sa pakikipaglaban, nahulog sa bangin si Wen Tian at sa paggising nito hindi niya inaasahang may makakalabang higante. Sa pagkakataong ito, lumabas ang tunay na kakayahan ni Wen Tian taglay ang kapangyarihan ng Stone of Star Soul.

Ngayong alam na ng kasamaan kung nasaan ang nagtataglay ng kapangyarihan ng Stone of Star Soul, magkakaroon pa kaya ng katahimikan sa bansang Yi kung saan naroroon si Wen Tian?

Patuloy na panoorin ang God of Lost Fantasy, Lunes hanggang Biyernes, 8:25 a.m sa GMA.