
Sa ikalawang linggo ng God of Lost Fantasy, nakapagdesiyon na si Prinsipe Yi Wu Wei (Jacky Heung) na muling bumalik sa emperyo para makuha ang tronong dapat na sa kanya. Pero bago ito magawa ng prinsipe, kailangan niya munang harapin ang kapatid ng amang emperador na kasalukuyang namamahala ngayon sa emperyo.
Sa halip na si Prinsipe Wu Wei ang umupo sa trono nang magkasakit ang emperador, ang tiyo niyang si Yi Heng (Shawn Huang) ang namahala sa emperyo dahil wala pang sapat na kakayahan ang prinsipe para mamahala.
Gumawa ng paraan si Yi Heng para tuluyang mapaalis sa emperyo si Prinsipe Wu Wei, na siyang balakid sa kanya sa pamamahala.
Naging daan ito para mapunta si Prinsipe Wu Wei sa kampo ng Jiuhua kung saan sinasanay at hinahasa ang kaisipan ng mga mandirigma tungkol sa Star Soul at Demon Sword. Dito rin nakilala ni Prinsipe Wu Wei si Qin Wen Tian (Peter Sheng), na siyang nagtataglay ng kapangyarihan ng Stone of Star Soul.
Napadpad si Wen Tian sa kampo ng Jiuhua matapos na paalisin at ipapatay ng angkan ng Bai. Dahil sa nangyaring trahedya noong ipapatay ng Bai, natuklasan ni Wen Tian ang natatagong kapangyarihan.
Nakilala rin ni Wen Tian sa kampo ng Jiuhua si Mo Qing Cheng (Olivia Wang), na isa sa naging malapit niyang kaibigan. Ninais ni Qing Cheng na makapasok sa Jiuhua dahil gusto nitong mapatunayan sa amang si Mo Tian Lin (Jing Gang Shan) ang espesyal na kakayahan.
Naging tagapagsanay nina Wen Tian, Qing Cheng at Prinsipe Wu Wei sa Jiuhua si Ruo Han (Wu Pei Rou), na isa sa mahuhusay na mandirigma ng Jiuhua.
Paano kaya matutulungan ni Wen Tian si Prinsipe Wu Wei na muling makapasok sa emperyo?
Patuloy na panoorin ang God of Lost Fantasy, Lunes hanggang Biyernes, 8:25 a.m. sa GMA.